Posts

Showing posts from May, 2015

IKA-11 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON, B

Image
ANG SIMULA NG KAHARIAN Malapit nang marating ng isang kaibigan ko ang kanyang pangarap. Pero tuwing magku-kuwento siya, ang lagi niyang paksa ay ang simula ng kanyang pangarap; paano, kailan, sino ang mga naging bahagi ng pangarap niya.   At tulad ng lahat ng simula, ito ay nanggaling sa maliliit na bagay lamang; sa mga mahihinang bagay lamang, sa mga mumunting bagay lamang. Mula doon, naganap ang paglago at pagiging matibay ng pangarap na naabot niya ngayon. Sa pagbalik natin sa Karaniwang Panahon ng simbahan, at sa karaniwang panahon ng ating buhay, ipinapaalala ng Diyos sa atin ang kapangyarihan ng mga maliliit at simpleng bagay ng ating buhay. Ang isang mayamang ani ay mula sa maliliit na binhi na inihahasik sa lupa. Ang isang malaking puno, tulad ng mustasa sa Mabuting Balita, ay nanggaling naman sa munting butil na halos hindi makita ng mga mata. Oo, kahit ang Kaharian ng Diyos ay nagmumula sa mga hindi kapansin-pansing mga bagay at mga pa...

11TH SUNDAY IN ORDINARY TIME, B

Image
HOW THE KINGDOM STARTS A young man is close to achieving his dream. And yet every time he speaks, he recalls the beginning of his dream, how it all started, when it started, who inspired him to become what he would now be.   As with all beginnings, the dream of this man, started small. It started early. It began weak.   It took some time before everything took shape and became mature. As we return to the Ordinary Time of the calendar of the church, and to the ordinary time of our daily lives, the Lord in today’s gospel (Mk. 4:26-34), is reminding us of the power of the little things in our lives.   A bountiful harvest starts with tiny seeds sown upon the earth. A might tree, like the mustard tree known in the time of Jesus, starts with a tiny grain that is even difficult for the naked eye to see. Yes, even the Kingdom of God starts in very unassuming ways. Do not be afraid of starting small. Do not avoid being little. Do not underest...

CORPUS CHRISTI (THE BODY AND BLOOD OF CHRIST), B

Image
A LIVING SACRIFICE It is so good to see people queing up for Holy Communion. It seems to show how eager these believers are in receiving the Body of Christ, in receiving the Blood of the Lord. But in reality, for many this is a traditional ritual borne of an ingrained habit. How many people receive Communion just to complete their Mass? How many receive Communion but have no real connection to the “other” Body of Christ around them, their brothers and sisters? How many communicants really have no meaningful relationships with people when they return home? We say the Mass is not complete without receiving Communion. But Communion is really not complete without sharing in its meaning.   The Body and Blood of Christ signify his sacrifice, his loving self-giving to others.   This was what Jesus had in mind when he took the bread and gave it to his disciples: this is my Body, which will be given up for you… this is the cup of my Blood… for the forgivenes...

KAPISTAHAN NG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO, B

Image
BUHAY NA HANDOG Napakagandang pagmasdan ang linya para sa Komunyon tuwing Misa. Tila sabik na sabik ang lahat na tanggapin ang Katawan ni Kristo, ang Dugo ni Kristo. Pero aminin natin, marami sa atin ang gumagawa nito bilang isang tradisyong kinaugalian lamang. Ilan ang tumatanggap ng Katawan ni Kristo para lamang maging kumpleto ang kanilang Misa? Ilan ang nagko-Komunyon pero wala namang kaugnayan sa “isa pang Katawan ni Kristo” – ang mga tao sa paligid nila?   Ilan ang madalas mag-komunyon pero walang magandang ugnayan sa kapwa pag-uwi ng bahay? Sinasabi nating hindi kumpleto ang Misa kapag walang Komunyon. Pero ang Komunyon ay hindi rin kumpleto kung walang pakikibahagi sa tunay nitong kahulugan.   Ang Katawan at Dugo ni Kristo ay tanda ng kanyang mapagmahal na paghahandog ng sarili sa kapwa. Ito ang nasa isip ni Hesus noong damputin niya ang tinapay at alak at ibigay ito sa mga alagad: ito ang aking Katawan ihahandog para sa inyo… ang kal...

SOLEMNITY OF THE MOST BLESSED TRINITY, B

Image
COME TO THE FAMILY OF GOD Year after year, we go through the feast that takes our breath away, the feast that keeps our mouth agape in silence for fear that we may not really be able to understand it or explain it. This feast is the Solemnity of the Most Blessed Trinity. As Catholics, we share in the universal faith conviction of all Christians, that the one God is Father, Son and Holy Spirit.   Not one God, period. But one God, in Three Divine Persons because this was how Jesus revealed God.   This is also how we expereince God relating to us in lively and powerful ways – as Father, Son and Holy Spirit. At times, I come across a preacher, Quiboloy by name, who rants violently at what he calls the false doctrine of the “Holy Three.”   In the Bible he says, there is only the Holy One.   His twisted reasoning is easy to spot. Christians, especially Catholics do not speak about a “Holy Three,” never.   We believe in the “Holy One” but ...

DAKILANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD, B

Image
HALINA SA PAMILYA NG DIYOS Taun-taon, dumarating tayo sa pistang ito na tumatawag sa atin na manahimik dahil marami sa atin ang takot na ipaliwanag o unawain ang Santissima Trinidad, ang Kabanal-banalang Sangtatlo. Bilang mga Katoliko, kasama tayong naniniwala sa paninindigan ng lahat ng mga Kristiyano, na ang iisang Diyos ay Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi siya iisang Diyos, tapos!   Subalit, iisang Diyos sa Tatlong Persona ng pagka-Diyos na ipinahayag sa atin ni Hesus. Ganito rin natin nararanasan ang Diyos na buhay at makapangyarihang nakikipag-ugnayan sa atin – bilang Ama, Anak at Espiritu Santo. Minsan nakikita ko sa tv ang isang preacher, si Quiboloy, na nanggagalaiti laban sa doktrina daw ng “Banal na Tatlo” o “Holy Three” ayon sa kanya. Wala daw nun sa Bible. Dito pa lang makikita natin ang pilipit niyang pag-iisip. Wala namang tunay na Kristiyano na nagsasabing may “Banal na Tatlo” o “Holy Three”!    Tayo ay naniniwala sa Holy One,...

THANK GOD FOR TRUE FRIENDS!!!

Image

PENTECOST SUNDAY, B

Image
COURAGE TO FOLLOW YOU Many people can relate with a recent noodle ad on tv. A boy emerges from a surgeon’s clinic, holding up his oversized shorts and walking carefully with legs spread far apart.   The boy has just undergone his summer circumcision ritual.   When the father approaches, the boy proudly says: dad it didn’t hurt! (“Hindi naman masakit e!”).   And then assures his father: I didn’t even cry! (“Hindi nga ako umiyak e.”) The father admires and acknowledges his boy is now a big boy! Today as we celebrate Pentecost I cannot help but notice a different sense of courage overcome and fill the hearts of the disciples of the Lord Jesus Christ.   After the crucifixion came many anxious thoughts – Can we make it without him? Can we still continue like we did before? Is there a future after painful events of the passion and death of our beloved Master? Seeing Jesus risen and now, receiving the greatest gift of the Risen One, th...

PENTEKOSTES: PAGBABA NG ESPIRITU SANTO, B

Image
ANG TAPANG PARA SUMUNOD SA IYO Maraming naka-relate sa isang commercial sa tv. Isang bata ang lumabas sa clinic ng doktor, hawak ang malaking shorts niya at maingat na naglalakad na nakabukaka. Oo, katatapos lang niyang magpatuli, isang ritwal pag summer dito sa Pilipinas.   Nang lumapit ang tatay, nagmalaki ang bata: Hindi naman masakit e. At patuloy pang nag-kuwento: Hindi nga ako umiyak e. Buong galak namang hinangaan ng tatay ang kanyang “big boy.” Ngayong Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, hindi maikakaila ang bagong tapang na lumukob at pumuno sa puso ng mga alagad ng Panginoong Hesukristo. Matapos ang karanasan ng krus, maraming mga agam-agam sa kanilang puso – Kaya ba natin mag-isa? Maitutuloy ba natin ang sinimulan niya? May kinabukasan pa ba matapos mamatay ang ating Panginoon? Pero nakita nilang nabuhay muli si Hesus, at tinanggap nila ang pinakadakilang regalo, ang Diyos Espiritu Santo.   May bagong lakas, bagong buhay, bagon...

THE ASCENSION OF THE LORD JESUS CHRIST, B

Image
HIS FIGHT IS OURS TOO By now, we have been inoculated with the mantra of Manny Pacquiao’s latest boxing fight: Manny’s fight was the fight of all Filipinos. His victory is a shared national triumph. (Laban ni Manny, laban ng Pilipino!). But is his personal glory really the glory of his fellow citizens? If only his huge earnings will also go into the pockets of all his poor fans! Today we come to the ending saga of the mystery of Easter. This Sunday, we celebrate the Ascension of the Lord Jesus Christ into heavenly glory. His earthly life is over and now he resumes the life he had with the Father from the beginning. Jesus returns to heaven. The Ascension reminds us that Jesus’ own fight for goodness, for service, for salvation, for rightesouness before God and harmony with our neighbors, all these were really our fight, too. His life, death and glory truly flow into the lives of all humanity but especially on those who believe in him as Lord of the...

ANG PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOONG HESUKRISTO, B

Image
LABAN NI HESUS, LABAN NATING LAHAT Halos makabisado na natin ang motto ng pinakahuling laban ni Manny Pacquiao: Laban ni Manny, laban ng Pilipino. Tagumpay ni Manny, tagumpay ng bayan!   Pero totoo nga bang ang panalo ni Manny ay panalo nating lahat?   Sana lang, pati ang kita niya sa ring makarating sa bulsa ng mga dukhang grabe ang paghanga sa kanya. Nandito na tayo sa huling yugto ng misteryo ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ngayon ang Kapistahan ng Pag-akyat niya sa kalangitan. Tapos na ang kanyang buhay makalupa at ngayon ay panahon na upang muli niyang lasapin ang buhay na kasama ang Ama bago pa likhain ang mundong ito. Bumalik na si Hesus sa langit. Ang Pag-akyat sa langit ay paalala sa atin na ang laban ni Hesus para sa kabutihan, sa paglilingkod, sa kaligtasan, sa katuwiran sa harap ng Diyos at sa pakikipagkaisa sa ating kapwa – ay laban din nating lahat. Ang kanyang buhay, kamataya, at luwalhati ay dumadaloy sa buhay ng sangnilikha, lalo na s...
ANG PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOONG HESUKRISTO, B LABAN NI HESUS, LABAN NATING LAHAT Halos makabisado na natin ang motto ng pinakahuling laban ni Manny Pacquiao: Laban ni Manny, laban ng Pilipino. Tagumpay ni Manny, tagumpay ng bayan!   Pero totoo nga bang ang panalo ni Manny ay panalo nating lahat?   Sana lang, pati ang kita niya sa ring makarating sa bulsa ng mga dukhang grabe ang paghanga sa kanya. Nandito na tayo sa huling yugto ng misteryo ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ngayon ang Kapistahan ng Pag-akyat niya sa kalangitan. Tapos na ang kanyang buhay makalupa at ngayon ay panahon na upang muli niyang lasapin ang buhay na kasama ang Ama bago pa likhain ang mundong ito. Bumalik na si Hesus sa langit. Ang Pag-akyat sa langit ay paalala sa atin na ang laban ni Hesus para sa kabutihan, sa paglilingkod, sa kaligtasan, sa katuwiran sa harap ng Diyos at sa pakikipagkaisa sa ating kapwa – ay laban din nating lahat. Ang kanyang buhay, kamataya, at lu...