IKA-14 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON, B
HUWAG TANGGIHAN ANG BIYAYA Tila napakadali sa atin na mag-reject ng tao o ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa atin. Minsan sa unang tingin pa lang, minsan naman dahil sa matagal na karanasan, ayaw natin sa kanila. Madaling mag-reject! Sa unang pagbasa, ang mga mamamayan ng Israel ay patuloy ang hindi pagtanggap sa Diyos at sa kanyang mga sugo, tulad ni Ezekiel. Sa Mabuting Balita, ang mga kababayan ni Hesus ay nahirapang tanggapin siya dahil sobrang pamilyar sila sa kanyang pinagmulan at hindi nila matanggap kung ano siya ngayon (Mk. 6:1-6). Sa kapwa halimbawang ito, ang tinatanggihan ng mga tao ay kung ano ang tunay nilang kailangan, ang tunay na magbibigay ng biyaya sa kanila. Tinatanggihan natin ang mga tao sa paligid natin kasi masyado tayong sugatan upang makilala ang kanilang tunay na halaga. Kita natin ang kanilang kamalian. Alam natin ang kanilang kakulangan. Ganyan ang nagaganap sa kasama natin sa trabaho, sa kasama natin sa dorm, sa kapitbahay sa...