IKA-26 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON, B
PUTULIN MO! Binibigyan tayo ng Mabuting Balita ngayon (Markos 9) ng tila nakatatawang larawan ng langit – isang lugar kung saan ang mga naroon ay mga may kapansanan. Sabi ni Hesus: kung nais mong pumasok sa buhay na walang hanggan (langit), putulin mo ang iyog mga kamay at mga paa, kung ito ang sanhi ng iyong pagkakasala dito sa lupa. Isipin mo na lang kung sa langit nga ang mga tao ay mga naka-saklay at naka-benda ang mga katawan, palukso-lukso dahil sa nawawalang mga bahagi ng katawan. Siyempre, isang larawan lamang ito pero may mas malalim na katotohanan ang mga salitang ito. Sa kasaysayan ng Kristiyanismo, mula noon hanggang ngayon sa maraming mga bansa, ang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus – Katoliko man o Protestante, Ortodoso, o Pentecostal – ay ipinagpalit ang kanilang mga katawan kaysa wasakin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Ang mga martir na monghang Carmelites ng Compiegne sa France ay pinugutan ng ulo ng mga rebolusyonar...