IKATLONG LINGGO SA KUWARESMA K
ANG PAG-IISIP NG DIYOS Tumbok na tumbok ni Hesus ang paraan ng pag-iisip ng mga tao (Lk 13: 1-9): sila ang “mas guilty”; sila ang “mas mali”; sila ang “mas makasalanan”. Siyempre, tayo naman ang mas mabuti nang kahit konti sa mga taong hinuhusgahan natin. Ganito kumilos ang utak natin. Madali humusga. Kapag nagkamali o nadapa ang iba, agad nating iniisip na “mabuti nga sa kanila” kasi tatanga-tanga sila. Kung ikukumpara sa atin, kulelat talaga sila at ang galing natin. Ipinakita rin ng Panginoon kung paano mag-isip ang Diyos. Sa tulong ng talinghaga ng punong walang bunga, inilarawan niya kung gaano kalayo at kakaiba sa atin ang pag-iisip ng Ama. Gusto natin ng deadline : putulin na iyan! Gusto naman ng Diyos ng extension : bigyan ng isang taon pa iyan! Ang nakikita natin ay sayang : bakit pa gagamitin nyan ang lupa? Ang nakikita ng Panginoon ay posibilidad : baka mamunga na sa isang taon! ...