Posts

Showing posts from April, 2016

IKA-ANIM NA LINGGO NG PAGKABUHAY, K

Image
-->  KUNG KAILANGAN MO NG KAPAYAPAAN Akala natin ang kailangan natin ay “mas marami.” Mas maraming pera. Mas maraming gamit. Mas maraming narating. Akala natin sasaya tayo pag meron tayong mas marami. Tapos nagugulat tayo na kapag meron na tayo ng mga tunay na kailangan natin, yung mas marami ay hindi sanhi ng kaligayahan. Minsan pa nga ito ang nagdudulot ng problema sa buhay. Sa mundo ngayon, ang kailangan talaga natin ay kapayapaan. Oo, sa Middle East, sa magugulong lugar, sa mga banta ng terorismo. Pero higit pa diyan, sa ating puso, kapayapaan ng isip, puso at damdamin. Tanggapin natin ang totoo: mula paggising hanggang pagtulog, hindi ba laging may umuukilkil sa isip natin, bumabagabag sa puso natin na isang libo’t isang pangamba at alalahanin? Para sa marami, ang laging kapiling natin ay takot. Takot dahil sa nakaraan na laging nagpapaalala sa atin na tayo ay nagkamali at palpak. O takot para sa kinabukasan, na hindi natin ka...

SIXTH SUNDAY OF EASTER, C

Image
--> WHEN YOU NEED PEACE In life we think we need more. we work for more money. We acquire more property. We strive for more achievements. We think that happiness and fulfillment will come with more. But then we discover that after we satisfy our basic needs, more of anything else does not guarantee happiness. In today’s world, what we truly need is peace. Yes, peace in the Middle East, peace along the nation’s borders, peace from the threats of terror. But more important than that, is peace in our hearts. Let’s accept it, from the moment we wake up until the time we go to sleep, our minds are disturbed by something, our hearts troubled by a thousand and one concerns. For many people, fear is a constant companion. Fear of the past, which fills us with guilt and shame. Fear of the future, which fills us with a sense of powerlessness and helplessness. Today, the Easter message is one that every human heart craves for. Jes...

IKALIMANG LINGGO NG PAGKABUHAY, K

Image
--> PAGHIHIRAP NA NAMAN? Habang kinakausap ng mga apostol ang mga taong nananalig na sa Diyos (Gawa 14; 21-27) sinabi nila sa kanila na maging matatag sa kanilang pagsunod sa Diyos sa kanilang buhay. Bilin nila: Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos.” Ano? Kapighatian na naman? Paghihirap ulit? Hindi ba ang Pasko ng Pagkabuhay ay panahon na wala nang kasalanan, pagdurusa at kamatayan? Hindi ba puwedeng time-out muna tayo sa mga problema ng buhay? Tama, Pagkabuhay na nga at ang kaluwalhatian ng Panginoong Hesus ang sumisilaw sa anumang kadiliman at pait ng buhay. Panahon ngayon ng liwanag, pagsasaya, tagumpay at kalayaan! Pero ang totoo, mararanasan lamang nating ang Pagkabuhay ni Kristo kung haharapin natin, hindi iiwasan, ang mga pagsubok sa ating buhay. Ang Pagkabuhay ay karanasan ng tagumpay ni Hesus, pero hindi ito karanasan ng ilusyon o hayahay na buhay! Kaya nga, pagkatapos natin...

FIFTH SUNDAY OF EASTER, C

Image
--> TRIALS ARE HERE TO STAY? Speaking to people who have already “put their faith in God,” the first reading (Acts 14: 21-27) tells us how the apostles tried their best to strengthen the resolve of the people to continue following the Lord. They said: It is necessary for us to undergo many hardships to enter the kingdom of God. What?  Necessary to suffer again and again and again?  Isn’t this the time of Easter, when sin, suffering and death are vanquished forever?  Can we not have enough of hardships in our lives? Yes this is Easter, and the glory of the Risen One shines above all darkness and pain. It is a season of light, of jubilation, of triumph, and of freedom!  But the truth remains that the Resurrection can be experienced only by each one of us when we confront, not avoid, the hardships that mark our lives.  Easter is about the experience of the Resurrection of Jesus, it is not about the experienc...

IKA-APAT NA LINGGO NG PAGKABUHAY, K

Image
--> BIHIRA ANG MABUTING PASTOL Minsan na lang tayo makakita ng kalabaw, at sa malalayong probinsya pa. Sa youtube, isang video ang nagpakita ng nakakalugod na relasyon ng magsasaka at ng kalabaw niya. Inaalagaan, pinakakain, itinitira sa magandang kulungan ang kalabaw ng magsasaka. Ang kalabaw naman, nagta-trabaho sa bukid, nagbibigay ng gatas, naghihila ng kariton ng pamilya. Sa unang tingin, tila miyembro ng pamilya, “provider” ng pamilya, matapat na kaibigan ng pamilya. Iisipin mo tuloy pag matanda na ang kalabaw, aalisin na ito sa pag-aararo sa bukid para magpahinga na lang sa kuwadra niya. Pero hindi, noong matanda na ang kalabaw, dinala ito ng magsasaka sa katayan at ipinagbili sa mga magka-karne para pagkakitaan pa ang huling hibla ng buhay ng kanyang matapat na hayop. Isang babala ang ibinibigay sa atin tungkol sa mga pastol sa Bibliya. Hindi lahat sila ay mababait at banayad na tao. Sanay sa trabaho ang mga iyan sa ilalim ng in...

FOURTH SUNDAY OF EASTER, C

Image
--> A GOOD SHEPHERD IS RARE Rarely do we see carabaos these days except in far-flung areas from the city, where they are also becoming scarce. A youtube video showed the close bond between a carabao and his farmer-owner, which was at first so inspiring. They farmer feeds, bathes, keeps safe his animal. The carabao in turn, works the fields. It gives milk to the family. It pulls the cart which is the family’s mode of transportation. It is like a member of the family, a provider for the family, a loyal friend. It is so tempting to envision that when a carabao is old, the farmer releases it from its yoke and allows it to die in peace in the stable. But no, when the carabao is old and useless, the farmer drags him to the slaughterhouse, sells it to butchers, and makes a final profit from his animal’s toil and loyalty. We are warned when we read any mention of shepherds in the Bible that not all shepherds are meek, pious souls. They are exper...

IKATLONG LINGGO NG PAGKABUHAY, K

Image
--> LABAN PA! Nagugulat tayo sa mga kilos ni Pedro at mga kasama. Pagkatapos ng kamatayan sa krus ni Hesus, balik dagat na naman siya. Dati na siyang tumigil sa pangingisda upang maging alagad.  Ngayon, balik na naman siya sa laot. Dito natin makikita ang kahinaan ni Pedro, at nating lahat. Kapag nasiphayo, nawalan ng pag-asa, tila ayaw na natin at suko na agad! Mas mabuti pang umatras kaysa umabante. Mas masarap sa dating maginhawang buhay kaysa umukit ng bagong daan. Sa pangingisda nakilala ni Pedro si Hesus at nakita ang tunay niyang kapangyarihan. Ang himalang huli ng napakaraming isda ang nagbunsod sa kanya na iwanan ang dagat at maging mangingisda o mamamalakaya ng mga tao, tulad ng sinabi ng Panginoong Hesus sa kanya.  Pero ngayon, eto siya at nasa laot ulit, para ituloy ang natigilang hanapbuhay niya. Kay dali nating mahulog sa ganitong patibong. Kapag malungkot o nalilito, takot o nalalabuan tungkol sa kina...

THIRD SUNDAY OF EASTER, C

Image
--> FIGHTING ON The gospel today surprises us with the action of Peter and the apostles, in particular with Peter.  After the Crucifixion, we first meet Peter fishing again.  He quit fishing some years back to join the band of Jesus’ apostles.  Now, he is back where he began. We see here the weak spot of Peter, and our own. Disappointed, disillusioned, we tend to give up or surrender. We would rather turn back than move forward.  We seek former comfort than blaze new trails. It was on a fishing trip that Peter met Jesus and saw his power some years back. The miraculous catch of fish convinced him to abandon his nets and become a fisher of men, as Jesus suggested.  But now, he is back out on the sea, to resume his interrupted business. How many times we fall in the same trap. When we are sad, confused, afraid or clueless as to what the future holds, many of us decide to retreat to the former, more com...