IKA-SAMPUNG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K
--> MABISA AT NAKAHAHAWA Talagang isa sa pinakamaganda at pinakamakabagbag-damdaming salaysay sa Mabuting Balita, ang kuwento ng biyuda sa Naim at ang kanyang namatay na anak ay laging nagpapanariwa sa atin ng awa at habag ng Panginoon. Nilapitan ni Hesus and babae, isang biyuda at ina ng kaisa-isang anak, na namatay ngayon. Hindi niya kilala ang babae. Pero may nakita siyang isang bagay na nakapagpahinto sa kanya at nais niyang tumulong. Nakita ni Hesus ang mga luha ng babae. Sinabi niya: huwag ka nang umiyak. Bilang tugon sa mga luha ng babae, si Hesus ay napuno ng habag. Dahil sa kanyang habag, binuhay niyang muli ang lalaking namatay na. Mabisa ang habag ng Diyos. Makapangyarihan ang habag ng Diyos. Ang habag ng Diyos ang bumubuhay ng anumang patay na sa ating buhay, anumang nawawala na sa ating buhay, anumang ipinagluluksa natin sa ating buhay. Ang babae ay kinatawang ng marami sa atin. Ang “babaeng umiiyak” ay ...