IKA-14 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K
--> GABAY SIYA SA ATING LANDAS Ang tawag ng Mabuting Balita ngayon (Lk 10) ay sumunod sa Panginoon sa misyon ng pagliligtas ng mga tao para sa Kaharian ng Langit. Kaya, ang magdasal para sa marami pang mag-aani sa anihan ng Panginoon ay laging napapanahon (v 2). Magdasal pa tayo lagi para mas maraming mga tao, mga pari o madre, misyonero, babae at lalaking binyagan, mga kabataan at mga pamilya, na magnais tumugon na mag-alay ng sarili sa pagmamahal sa Diyos at sa kabutihan ng kapwa. Kapag nagdarasal tayo para sa bokasyon, sarili natin ang ating ipinagdarasal. Pero ano nga ba ang ginagawa ng Diyos sa mga taong tinatawang niyang sumunod sa kanya at gumanap ng isang misyon? Kalimitan, ayaw ng mga taong tumugon kasi ang naiisip nila ay ang hirap, ang pagsubok at ang mga balakid sa paglilingkod. Pero sinasabi sa atin ngayon na kumikilos ang kapangyarihan ng Diyos sa mga taong tumutugon sa ispesyal na misyon ng kanilang buhay. Ilang beses na...