--> PANALANGIN NA MARUBDOB Sa Mabuting Balita ngayon (Lk 11), sinasariwa na nagbigay ang Panginoong Hesus ng dalawang mahahalagang aral. Una, ang napakagandang panalangin, “Ama Namin,” na mas maikli kaysa sa kay San Mateo. At ang ikalawa ay ang pananaw tungkol sa panalangin (v. 8). Lumaki ang mga Katoliko kapiling ang Ama Namin. Simula sa kuna noong sanggol pa, hanggang sa bawat Misa, klase ng katesismo at turo ng mga nakatatanda, nandun na ang dasal na ito. Kung madasalin ka, tiyak kahit minsan sa isang araw, dinadasal mo ito. Maraming tao ang paborito ang dasal na ito. Nang magkasakit si Francisco Ferro, inutusan niya ang kanyang mga anak na isulat ang Ama Namin sa manila paper sa wikang Tagalog. Ipinaskil nila ito sa pader ng kuwarto niya upang lagi niyang mabasa at madasal ang panalanging natutunan niya mula sa kanyang ina sa tuwing makakaramdam siya ng sakit ng katawan. Pero nagturo din ang Panginoon ng tamang pananaw sa p...