IKA-27 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
--> ANG LAKAS NG MALIIT Kailangang tanggapin natin na madalas, natutuklasan nating maliit ang ating pananampalataya. Kung kailan akala natin matibay tayo, saka naman yayanigin tayo ng problema, o paghihirap na talagang humahamon sa pinaka-ugat ng buhay. Ang mga pagsubok ay laging tila palakol na humahampas sa pananampalataya ng isang Kristiyano. Ito siguro ang dahilang kung bakit sa Mabuting Balita (Lk 17:5ff) ang kahilingan ng mga alagad ay: Panginoon, dagdagan mo po ang aming pananampalataya. At kung bakit ito rin ang umaalingawngaw sa labi ng napakarami sa atin araw-araw: Panginoon, dagdagan mo po ang aming pananampalataya dahil dumadaan kami sa hirap ng relasyon, karamdaman, pag-aalala, pagkalito, kawalan ng kasiguraduhan sa bukas. Panginoon, dagdagan mo po ang aking pananampalataya. At Diyos lang naman talaga ang makakapagdagdag sa ating pananampalataya. Pero binibigyan din tayo ng pagkakataon na makiisa sa pagpapalago ng ating pananampal...