IKA-WALONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A
--> BAWASAN ANG PAG-AALALA Ang galing siguro ng buhay na walang alalahanin, yung parang hindi apektado ng problema, o pagsubok o ng sasabihin ng iba. Pero tila ang konti naman ng mga taong ganito ang pananaw araw-araw. Baka nga marami sa kanila ay manhid lang or iresponsable o walang pakialam sa buhay. Para sa marami sa atin, bawat araw ay may dalang bagabag. Paggising pa lamang, paano ba lulutasin ang mga hamon ng buhay? Mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap, puno ng alalahanin ang buhay na nanghihingi ng ating atensyon, nakakabaliw sa isip at nakakawala ng lakas. Ang sarap tuloy pakinggan ang sabi ng Panginoon sa mabuting balita: huwag kayong mabahala. Kahit ito man ay pagkain, o kalusugan o kinabukasan, ang paanyaya ng Panginoon ay huwag mabahala. Pero sa puso natin, may sumisigaw. Natural kasi ang mag-alala. Kung hindi tayo mag-aalala, sino ang tutulong sa atin? Kung parang walang nangyayari, e baka sayang naman ang buhay. ...