IKA-LIMANG LINGGO NG KUWARESMA A
--> ANG MAMATAY KASAMA SI KRISTO Ngayong Kuwaresma, nagninilay tayo sa mabuting balita ni Juan sa loob ng tatlong linggo. Ito ang huling pagkakataon. At kaakit-akit ang mensahe ngayon. Ipinapakita sa atin na malapit si Hesus sa pamilya ni Lazaro at mga kapatid nito. May mga kaibigan pala si Hesus. At mahal niya silang tunay! Nakakatuwa di ba? Madalas nating isipin na kasama lang ng Panginoon ang mga alagad at matiyagang nagpapahayag at nagpapagaling sa Israel. Bihira nating maisip na may mga kaibigan pala siya at masaya siya sa piling nila! Pero ito nga ang misteryo. Kung mahal ni Hesus si Lazaro, bakit pinabayaan niya itong mamatay? Bakit hindi siya maaga dumating, tulad ng sabi ni Marta? Kung pinagaling niya ang iba, bakit hindi ang kanyang maysakit na kaibigan? Dahil nga mahal ni Hesus si Lazaro kaya hinayaan niya itong dumanas ng kamatayan. Ang kamatayan ang huling pagsubok ng pananampalataya. Nais ni Hesus na maging matatag si Lazaro at m...