IKA-26 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A
--> NAGBAGO NG ISIP Tiyak aayon ang mga magulang na ipinapanganak na magkaiba ang bawat sanggol. Kahit kambal may pagkakaiba ng ugali. Kaya alam ng isang magulang na may batang magalang at masunurin at mayroon ding suwail at matigas ang ulo. Natural, mas gusto nila ang una kaysa sa huling nabanggit. Ang mga ugaling ito ng mga anak ay tampok sa talinghaga ngayon (Mt 21: 28ff). Kailangan ng ama ng tulong sa ubasan kaya inutusan niya ang dalawang anak. Supalpal agad ang tugon ng unang anak. Pero ang pangalawa ay magalang (may “opo” pa) at handa. Subalit hindi ang mga unang tugon ng dalawa ang tunay na mahalaga. Iyong nangyari pagkatapos na sumagot ang higit na dapat pansinin. Ang sumupalpal sa utos ng ama ang natuloy sa ubasan. Ang mabait na anak ang hindi tumupad sa pangako. Ano ang nangyari at nagkabaligtad yata? Walang ibinigay na paliwanag sa naganap sa ikalawang anak. Sa pagbasa natin, ang binigyang pansin ay ang unang anak, na...