UNANG LINGGO NG ADBIYENTO B
--> PAGHIHINTAY KASAMA ANG AMA (2) Sinasabi ng Adbiyento na tayo’y maghintay. Maghintay sa mensahe ng Panginoon. Maghintay sa pagdalaw ng Diyos. Maghintay sa Mesiyas. Maghintay sa Diyos na dumarating sa kasaysayan, sa kahiwagaan, at sa kaluwalhatian. Pero pangit na ang tingin ng tao ngayon sa paghihintay, dahil na rin sa mga progresibong teknolohiya ng mundo. Bakit pa maghihintay kung handog na ng internet lahat sa isang iglap? Bakit nga ba maghihintay pa kung may text, phone call at twitter naman? Bakit kailangang maghintay kung madaling kumonek sa FB, Messenger, at Viber? Kung best friend mo ang Google, huwag na magsayang ng oras. Ano ba ang mapapala sa paghihintay? Pero sa buhay, maraming dapat hintayin. Ang mga malalaking pangyayari sa buhay ay unti-unti kung maganap. Isang kaibigan ko ang matamang naghihintay sa susunod na check up ng doktor niya sa sakit na kanser. Sana nga, mabuting balita ang dala nito sa kanya. Isang mag-asawa nam...