IKA-26 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
KASALANAN BA ANG WALANG GAWIN? May isang 90 anyos na lalaking inihabla sa korte ng mga survivor ng kalupitan ng mga Nazi. Ang taong ito ay umaming nasa death camps siya hindi bilang sundalo, tagapahirap, o pinunong Nazi… kundi bilang simpleng accountant lamang doon. Trabaho niya ay mag-kolekta, mag-ayos, mag-lista at magtago ng mga singsing, relo, maleta, sapatos, kwintas at iba pang gamit na kinumpiska sa mga Hudyo. Sabi niya alam niyang kinuha ang mga ito dahil mamamatay na at di na kailangan ito ng mga may-ari. Depensa niya, trabaho lang daw ang ginagawa niya; sumusunod lang. Wala siyang sinaktan; walang ninakawan. Higit sa lahat, hindi siya pumatay tulad ng mga guwardiya, tagapagpahirap, at mga medical team ng Nazi. Totoo naman di ba? Pero ang hatol ng hukuman ay nakasentro sa isang malaking pagkukulang ng taong ito. Alam niya pala na may mga pinahihirapan… may mga pinapatay… may mga ...