IKA-30 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
GAANO KALAKAS KA SA DIYOS? Isang kasambahay ang bibili ng lotto noong nakaraang Disyembre. Naisip niyang huminto sa altar ng amo niya. Hinawakan niya ang imahen ni Jesus at mataimtim na nagdasal. Tapos, bumili na siya ng tiket. Alam ninyo, ilang araw pagkatapos, isa na siyang milyonarya! Ngayon ang daming nakapila sa labas ng bahay ng kanyang dating amo upang humawak sa imahen ni Lord doon bago tumaya sa lotto! Mahal ng Diyos ang mga dukha, mahihina, at mga inaapi, alam natin iyan. Nasusulat iyan. Pero sobrang mahal ba niya sila na gumawa siya ng maraming dukha sa mundo ngayon? Hindi ba siya nakikinig sa milyones na nagdarasal para matupad ang kanilang pangarap? Ang mga pagbasa natin ay gabay sa pang-unawa sa malalim na puso ng Ama. Sabi sa unang pagbasa (Sirach 35/ Ecclesiastico 35), sabi sa atin, “ang dalangin ng mapagpakumbaba ay tumatagos sa mga ulap at hindi tum...