UNANG LINGGO NG ADBIYENTO A
KAPIT SA PAGMAMAHAL Mahilig ang mga Pinoy mag-ugnay ng hamon ng buhay sa mga pangyayari sa buong taon: … bertdey mo, pakatino ka na! … ga graduate ka na? aba, matutong tumayo sa sariling paa! … lapit na ng Kuwaresma; reunion na ng pamilya! … magpa Pasko na pala; damahin mo ang pag-ibig sa paligid! Oo, Adbiyento na nga; maririnig muli ang mga mensahe ng paghihintay, pagbabantay, pananatiling gising! Sabi ni Pablo sa mga taga Roma: panahon na para gumising. Paalala ng Panginoong Hesus sa ebanghelyo ni Mateo: laging maghanda; darating ang iyong panginoon kapag hindi inaasahan. Ano ba itong pagiging laging gising; paghihintay sa kung ano, o mas eksakto sa kung sino? Tiyak hindi ito pagpupuyat lamang. Tawag ito para sa paghihintay ng puso. Tawag ito upang “madama muli ang pag-ibig!” Nag post sa Fb ang aking pinsan ng photo ng kanyang panganay. Mahimbing ...