DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS/ BAGONG TAON
INA NG AWA Sinasalubong natin ang 2021 na may galak, pasasalamat at pag-asa. May galak dahil sa wakas may pangako ng bagong mga bagay na magaganap. Naging napakabigat ng nakalipas na taon subalit lahat iyan ay tapos na at handa na tayong sumulong sa kinabukasang kaaya-aya. May pasasalamat dahil narito pa tayo, buhay, kapiling ang mga minamahal, survivors. Maaaring hindi lahat ng gusto natin ay nasa atin subalit meron tayo ng sapat at talagang kinakailangan natin. May pag-asa dahil bawat panimula ay pagkakataon na mangarap, maghangad, maniwala sa pangako ng Diyos at sa kakayahan nating gawin ang anumang naisin. Sinisimulan natin ang taon kasama ng Mahal na Birheng Maria. Ipinakita ng mga karanasan sa nakalipas na taon na talagang mahalaga ang pag-aalay na ito. Sa plano ng Diyos, si Maria ay kalakbay natin sa anumang panahon. Sa gitna ng pandemya, inialay ng mga obispo ng iba’t-ibang bansa ang mga tayo kay Ma...