SAINTS OF JUNE: SAN PEDRO AT SAN PABLO
HUNYO 29 A. KUWENTO NG BUHAY Malaking kapistahan sa Roma ang araw na ito. Ayon na rin sa turo ng mga Ama ng simbahan, nagkakaisa sila sa pagtanggap sa katotohanan na ang simbahan sa Roma ay natayo sa pamamagitan ng pagpupunyagi ng dalawang magigiting na apostol, sina San Pedro at San Pablo. Subalit sa pagdiriwang, halos ang lahat ng atensyon ay laging nakatuon kay San Pedro, ang unang obispo ng Roma. Pagkatapos tanggapin ang Espiritu Santo noong Pentekostes, si San Pedro ay nangaral sa Judea (tingan sa Gawa, kabanata 1 at 2). Dahil sa kanyang bagong angking tapang, siya ay itinapon sa piitan ni Haring Herodes. Ayon sa Bibliya, isang anghel ang nagpakawala sa kanya mula sa kulungan (Gawa 12). Nakarating si San Pedro sa Antioquia kung saan itinatag niya ang simbahan at siya ang unang naging obispo ng mga Kristiyano doon. Pagkatapos nagpunta naman si San Pedro sa Roma. Ang pagiging ta...