IKA-18 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
KATUWANG NIYA TAYO SA PAGMAMAHAL image, thanks to the internet... Ano itong sinasabi sa unang pagbasa (Is 55:1-3)? Ang pinakaaasam na “eat all you can!” Kumain at uminon… walang bayad, hindi kailangan ang pera. Basta pasok lang at makisalo! Inilalarawan ng Panginoon ang kailangan ng lahat… Uhaw tayo, gutom tayo… At narito ang Diyos upang painumin at busugin tayo, at bigyan ng saganang buhay! Kahanga-hanga! Wala nang mas matatag pang buhay, walang tigil ang daloy ng supply! Ito ang sinasabi sa Bible. Pero ito ba ang nagaganap sa buhay? Sa pandemyang ito, ang daming nawalan ng trabaho, ang daming nagtiklop na negosyo, ang daming nagugutom sa bansa. Tama, tumulong naman ang gobyerno, ilang kilong bigas at lata ng sardinas, ayudang pera na pantawid buhay. Pero sa may pamilya, ilang saingan lang ito? ilang beses ba kumakain ang tao? Nitong lockdown, may nakita akong lalaking...