TAYONG LAHAT SAMA-SAMA SA KANYANG YAKAP (image from the internet) May sakit na kumakalat sa mundo ngayon, malala pa sa corona virus. Sakit na umaatake hindi sa katawan, kundi sa isip, pananaw at puso. Higit pa ito sa pagiging mapili sa tao, o pagkiling sa iba, o pag-pwera sa mga taong di natin kapantay, kauri o kadugo. Ang tawag sa sakit na ito ay “pagtataboy” ng tao. Yung mamili, o kumiling, o mag-pwera sa tao ay masama; pero doon, nakikita pa natin ang kapwa natin bilang kakaiba sa atin at dahil doon, panganib o banta sa atin. Pero ang pagtataboy ay masahol pa dito; hindi na talaga natin kinikilala ang tao. Hindi na itinuturing na nabubuhay; basta naglalaho na lang silang parang bula at tila basurang itinatapon. Sa unang pagbasa (Is 56) tinatalakay ang katayuan ng mga mabubuting Hudyo. Mahal nila ang Panginoon, sumusunod sa mg autos, at umiiwas sa kasalanan. Subalit paalala ng Panginoon, may mga ta...