KAPISTAHAN NG LAHAT NG MGA BANAL 2020 (IKA-31 LINGGO, A) - UNDAS
INSPIRASYON SILA! image from my own collection Nag-iisip ako minsan tungkol sa mga santo, lalo na ngayong malapit na ang ika-500 anibersaryo ng ating pagiging Kristiyano sa bansang Pilipinas. Bakit dalawa lang ang ating mga santo gayung 500 taon na tayong Katoliko? At bakit tila hindi naman sikat ang mga santong ito pati sa mga Pinoy sa ating bansa? Ang hilig nating magdasal kay Padre Pio; nakikigulo tayo sa bagong proklamang si Blessed Carlo Acutis, mahal natin si St Mother Teresa at St John Paul II. Pero bihira nating marinig si San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, na sariling atin, maliban kapag malapit na ang kanilang pista. Ngayon ay bihirang okasyon na tumapat sa Linggo ang Kapistahan ng mga Santo o Undas. Dakilang araw ito sa atin kasi pinaghahalo natin ito sa Araw ng mga Kaluluwa. Habang inaalala natin ang mga santo, nagpupunta din tayo sa mga sementeryo para alalahanin ang mga yumaong mahal natin, sa tradisyong pun...