SAINTS OF OCTOBER: SANTA TERESITA NG BATANG SI HESUS (ST. THERESE OF THE CHILD JESUS)
SANTA TERESITA NG SANGGOL NA SI HESUS DALAGA KAPISTAHAN: OKTUBRE 1 A. KUWENTO NG BUHAY Isa sa pinakalaganap at pinakasikat na larawan ng isang santa ay ang larawan ng isang monghang Carmelite na diretsong nakatingin sa kamera at nakangiti nang ubod tamis. Ang kanyang mga mata at ang kanyang ngiti ay tanda ng napakalalim na buhay-espiritwal na umakay sa maraming tao upang makilala ang tunay na mukha ng Diyos. Ang santang ito ay si Santa Teresita ng Batang si Hesus ( St. Therese of the Child Jesus o St. Therese of Lisieux sa Ingles). Isa siya sa pinakasikat na santa sa kasaysayan ng ating simbahan magpahanggang ngayon. Inspirasyon siya ng maraming mga tao mula sa iba’t-ibang antas ng buhay. Isa siya sa aking mga paboritong banal sa langit. Isinilang si Santa Teresita sa Alencon sa France noong 1873 sa mga magulang na sina San Luis Martin, ang amang nag-aruga sa kanya, at Santa Zelie-Marie Guerin ang kanyang ina na ma...