IKA-LIMANG LINGGO NG PAGKABUHAY A
ANG INYONG LINGKOD, BOW Sa gitna ng pandemic ng corona virus, nakagugulat na nagtanong ang mga taga tv, radyo at social media: Nasaan ang Simbahan? Ano ang ginagawa ng Simbahang Katoliko? Nakagugulat kasi wala namang nagtanong: Nasaan ang mga Protestante o Born-again? Ano ang ginagawa ng mga Iglesia ni Cristo? Anong tulong ang iniaabot ng mga Muslim? Hindi. Isang pananampalataya lang ang hinanap nila – ang Katoliko! At hindi naman sila binigo ng Simbahan. Kahit ang daming naninira mula sa gobyerno, media, mga sekta at kulto, walang duda na sa buong mundo, ang pananampalatayang Katoliko ang may pinakamalaking naibigay na espirituwal at materyal na tulong sa mga tao. Nasaan daw ang Simbahan? Ano ang ginawa nito sa pandemic? Kailangan lang po ay magbasa ng dyaryo o manood ng tv, mag-search sa Google o sa social media… matutuklasan mo dun ang sagot. Bahagi na ito ng kasaysayan ng tagpo ng corona virus sa buong mundo. Mula sa Santo ...