RECOLLECTION SA TAHANAN: GABAY PAGNINILAY SA HOLY WEEK
ANG HARDIN NG GETSEMANE: MGA HAMON NITO SA ATIN (tnx, fr tam nguyen) Para sa mga pamilyar sa panalangin ng Santo Rosaryo, may isang misteryo ng Rosaryo (doon sa misteryo ng mga Hapis o sorrowful mysteries ) na tinatawag nating Agony in the Garden o sa Tagalog ay “Ang pananalangin ni Hesus sa Halamanan ng Getsemane. Nakabase ito sa Bibliya (Luke 22, Matt. 26, Mk. 14). Kung babasahin natin ang Mark 14: 32-41, ganito ang nakasulat: Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.” At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko'y labis na nalulungkot at ako'y halos mamatay na! Maghintay kayo rito at magbantay.” Lumayo siya nang kaunti, at pagkatapos ay nagpatirapa upang manalangin na kung maaari'y huwag nang sumapit sa kanya ang oras ng paghihir...