IWASANG MAGING PALPAK NA DEFENDER NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO - 2
2. UMIWAS SA KASUPLADUHAN
HINDI IBIG SABIHIN NITO NA MASAMA ANG UGALI O MAPANG-API ANG
MGA KATOLIKONG MASUGID MANGARAL O MANG-AKAY SA KAPWA.
ANG TINUTUKOY DITO AY IYONG PARANG WALANG DIWA NG PAGIGING
BUKAS O HOSPITABLE SA KAPWA. GUSTO MAGING KATULAD NILA ANG IBA BAGO NILA
KAKAIBIGANIN ANG MGA ITO. KUNG HINDI KAPAREHO NG ISIP O IDEYA, AYAW NA NILA
PAKISAMAHAN. HINDI NA MAAARING MAKAPASOK SA INNER CIRCLE.
KAYA TULOY, SABI NG ILAN ELITISTA ANG ATING SIMBAHAN. PARA
SA MAYAMAN. O PABOR LANG SA MAYKAYA. HINDI PANG-TAMBAY. HINDI PANG-SQUATTERS.
HINDI PANG GUSGUSIN O UHUGIN.
PWEDE NAMAN TAYONG MAGING BUKAS, PALA-KAIBIGAN, MAPAGTANGGAP
O HOSPITABLE SA IBA KAHIT HINDI PA SILA KAPANALIG KAYA. HINDI IYONG HOSPITABLE
NA NAG-AANYAYA SA BAHAY, SA PARTY, SA SOCIAL ACTIVITIES. KUNDI IYONG PAGBUBUKAS
NG PUSO NA NARARAMDAMAN NG KAPWA TAO NA TANGGAP SILA ANUMAN ANG KANILANG
ESTADO, BACKGROUND O KAISIPAN.
KATULAD NI HESUS. KATULAD NG MGA APOSTOL. KATULAD NG MGA
SANTO.
ANG DAMING HINDI NAGSISIMBA DAHIL WALANG NGUMITI,
NAKIPAG-USAP AT NAG-ANYAYANG MAGING KAISA, KAIBIGAN, KABARKADA.
ANG DAMING HINDI PUMAPASOK SA PAROKYA DAHIL HINDI DINALAW SA
TAHANAN PERO DINALAW AT NILAPITAN NG PASTOR AT MINISTRO KAYA SA FELLOWSHIP O
CHRISTIAN CHURCH NAPUNTA.
KELAN HULING DUMALAW SA MGA BAHAY NG MGA SIMPLE AT MAHIHIRAP
ANG PARI (PATI MGA CHURCH WORKERS) KAHIT WALANG IA-ANOINT NA MAYSAKIT, O PATAY
NA BABASBASAN, O HANDAAN AT KAINAN, AT LALO’T HIGIT KAHIT NA WALANG STIPEND O
PABAON. BASTA DUMALAW LANG UPANG MAKILALA AT MAKASALAMUHA ANG HINDI NAGAGAWI SA
PAROKYA? KAILAN DIN ITO HULING GINAWA NG MGA MASUSUGID NA TAGAPAGTANGGOL DAW NG
PANANAMPALATAYA?