MGA DAPAT GAWIN MATAPOS ANG QUARANTINE!
Tumitibok-tibok na ang puso sa paghihintay sa katapusan ng
quarantine. Ang hirap maburo sa loob ng bahay. Mabuti kung laging masarap ang ulam.
O kung may natitira pang pambili nito!
Natuto tayong magpalipas ng ilang linggo sa loob lang ng
bahay. Tumaas ang konsumo ng kuryente dahil sa walang tigil na electric fan at
tv. Tumaas ang gastos sa load dahil sa tiktok at iba pang gawain sa social
media. Tumaas din daw ang bilang ng mga away ng mag-asawa dahil nagkakasaawaan na
sa mukha ng isa’t-isa..
Matatapos din lahat iyan, bago pa tuluyang tumaba ang ilan sa
atin at ang ilan naman ay magka-abs dahil sa tipid sa pagkain. Depende sa sitwasyon
ng bawat isa.
Kung matapos na nga ang quarantine, ano ang dapat nating
gawin? Ilang mungkahi batay sa karanasan ng mga tao ngayon:
1.
Magsimba, magpamisa, magpasalamat
Kahirap din palang ma-miss ang parokya, ang bisita, ang paboritong
simbahan. Ka-miss din palang hindi marinig ang boses ni Father kahit minsan
tinutulugan mo ang homily niya. Iba ang feeling kapag nagdarasal ka na may mga
tao sa kaliwa’t kanan mo, may luhuran na kahoy, may mga Poon na nakapaligid,
may mga kandilang sisindihan at may mga imahen na lalapitan .
Dahil na-miss mo iyan, huwag nang ipagwalang-bahala ang iyong
buhay pananampalataya. Marupok ang buhay. Di mo pala alam kung kelan ka huling
madadaan sa simbahan. Kaya mula ngayon, dalas-dalasan naman!
Hindi tayo iniwan ni Lord. Hindi tayo tinalikuran ng
simbahan. Kaya, matutong pahalagahan!
2.
Makipag-ugnayan sa kapwa
Ngayon natin napatunayan na mahalaga ang kapwa-tao. Kahit
pala mga asungot ang iba sa paligid natin e, mami-miss mo pa rin ang kasamahan mo
sa trabaho, ang kaklase mo, ang kapitbahay, ang suki sa palengke, ang nagde-deliver
ng diyaryo, ang magtataho.
Sikapin nating maging mas magiliw, mas magalang, mas
maunawain, mas maaalalahanin. Di pala natin alam kung kelan natin huling
makakatagpo ang mga taong ito. Bahagi sila ng ating buhay, ng ating mundo.
Bakit hindi dalawin o lapitan ang mga taong nakainisan,
nakagalit, naka-tampuhan? Imagine, kung may nangyari sa iyong masama nitong mga
nakaraang araw, papanaw kang may galit sa puso at sama ng loob? Maigsi ang buhay.
Bakit sasayangin sa alitan kung pwede naman makipagkasuno at magpatawaran?
3.
Namnamin ang tahanan…
Siyempre ang iba sa atin, ang isip ay nakatuon agad sa paglayas
patungong mall, pasyalan, restoran, Mcdo at Jollibee!
Pero huwag sayangin ang karanasang natutunan sa quarantine. Wala
palang mas masarap na lugar maliban sa sariling tahanan. Wala palang seguradong
kasama sa buhay maliban sa pamilya. Oo, kahit pangit ang bahay ninyo at walang
aircon. Kahit kainis ang ugali ng ate mo o kakulit ng lelong mo!
Pag nagkaproblema pala na major-major, masarap pa ring
madatnan na kasama ang mga mahal mo sa buhay. Pasalamat ka sa Diyos at buo
kayong nakalabas sa situwasyong ito.
4.
Pahalagahan ang Karunungan at Edukasyon
Sa simula, ang daming school na nag-online classes. Akala ng
mga estudyante e bakasyon grande ang mangyayari. Hindi pala. Tambak ang requirements
ni Sir. Grabe ang deadline ni Ma’am.
Umalma ang mga estudyante. Wala daw silang internet pero
panay ang tiktok at kita naman “seen” sa chat ang instruction ng teacher. Mahina
daw ang signal ng wifi nila pero ayun at maga ang mata sa Neflix at sa computer
games. Movie marathon. Facebook live. Maya’t maya ang palit ng “My Story.”
In other words, ang daming kabataang tamad. Palpak na nga ang
mga pulitiko ngayon. Tapos ang mga kabataan naman ang hanap ay pasarap lamang? Kain-tulog-toitet
lang? E kayo pa naman ang susunod na lider kapag may sumunod na virus, krisis,
o kalamidad na sing-tindi ng covid. Saan kayo kukuha ng panglunas? Sino sa inyo
ang magiging bayani ng lipunan?
Sana sa susunod na magkaroon ng mahabang suspension ng
klase, isipin, dapat tuloy ang paglago ng isip, ang pagtuklas ng karunungan, ang
paglago ng talino.
5.
Pasalamatan ang Mga Bayani ng Bayan
Tinawag natin silang Front-liners at totoo nga kasi sila ang
nakatayo in-front sa mga naghihirap sa
sakit o nakatayo in-front sa mga
nangangailangan ng basic needs, o nakatayo in-front
sa peace and order situation.
Kaya ang frontliners ay ang medical personnel at staff ng
mga ospital kasama ang chaplain, cook, at janitor atbp ng ospital, ang mga
patuloy na nagtrabaho sa supermarket, factory, gas station, pharmacy at ang mga
pulis, military at bantay barangay sa mga checkpoints gabi’t araw.
E ngayon ang daming gustong masabi na frontliners din sila. Kahit
na taga-picture lang sila ng mga nagtatrabaho. Kahit na ang ginawa naman nila
ay hindi kasama sa listahan ng buwis-buhay na paglilingkod. Ang ilang mga
pa-epal (hindi lahat ha?) na major officials, minor officials at iba pang mga
feeling officials, hindi po kayo frontliners kaya huwag magpa-bibo. Malayo po
kayo sa sentro ng totoong eksena. Pero alam naming ginagawa ninyo ang inyong mga trabaho, kaya mabuhay din po kayo!
Huwag lang agawan ng papuri ang mga tunay na frontiliners. Sa halip, purihin at pasalamatan ang mga tunay na frontliners natin!
6. Mamuhay nang simple o payak
Napatunayan nating darating pala ang panahon na maging mahirap o mayaman ay magiging pantay lamang. Kahit marami kang pera pero wala naman mabibili o walang mapupuntahan, balewala din ang iyong kayamanan. Sa panahon ng lockdown, lahat halos naging mahirap sa mundong ito - walang sikat, walang bida, walang milyonaryo, walang celebrity... lahat nasa loob lang ng bahay, lahat nakakulong sa takot na mahawa ng virus at magkasakit o mamatay.
Puwede naman palang mabuhay na walang Starbucks o milk tea, na walang sine, na walang shopping, na walang gimik. Naging payak ang pamumuhay. Hindi kailangang magbihis nang magara o magmaskara ng make-up o maligo sa pabango.
Kung matapos ang lockdown at pipiliin mong bumalik sa magarbong pamumuhay, ikaw na ang nagdala sa sarili mo ng mga karagdagang problema. Magandang maging simple; masarap maging kuntento sa tunay na kailangan lamang.
Huwag lang agawan ng papuri ang mga tunay na frontiliners. Sa halip, purihin at pasalamatan ang mga tunay na frontliners natin!
6. Mamuhay nang simple o payak
Napatunayan nating darating pala ang panahon na maging mahirap o mayaman ay magiging pantay lamang. Kahit marami kang pera pero wala naman mabibili o walang mapupuntahan, balewala din ang iyong kayamanan. Sa panahon ng lockdown, lahat halos naging mahirap sa mundong ito - walang sikat, walang bida, walang milyonaryo, walang celebrity... lahat nasa loob lang ng bahay, lahat nakakulong sa takot na mahawa ng virus at magkasakit o mamatay.
Puwede naman palang mabuhay na walang Starbucks o milk tea, na walang sine, na walang shopping, na walang gimik. Naging payak ang pamumuhay. Hindi kailangang magbihis nang magara o magmaskara ng make-up o maligo sa pabango.
Kung matapos ang lockdown at pipiliin mong bumalik sa magarbong pamumuhay, ikaw na ang nagdala sa sarili mo ng mga karagdagang problema. Magandang maging simple; masarap maging kuntento sa tunay na kailangan lamang.
---------
Bago masabik sa pagbabalik-normal ng buhay, maghanda sa tamang
pagkilos at pag-iisip kung ano ang magandang pagtuunan ng pansin matapos ang quarantine.
Ilan lang ito sa mga bagay na maaari nating gawin upang ipakilalang may
natutunan tayo sa yugtong ito ng ating buhay. Palagay ko po, marami din kayong
lessons ngayon sa buhay.