UNANG LINGGO NG ADBIYENTO - B
PAGHIHINTAY NA MAY PANANABIK May iba-ibang reaksyon kapag tayo’y naghihintay. May naghihintay na naiinip na. May naghihintay na kakaba-kaba. May naghihintay na galit at nagda-dabog. Merong nadala na sa kahi-hintay dahil sobrang tagal na at tila walang nangyayari. Ang Adbiyento ay paghihintay pero ibang uri ng paghihintay kaysa mga ordinaryong karanasan natin ng paghihintay. Sa Adbiyento, hinihintay natin ang Diyos, hinihintay nating makita ang kanyang kapangyarihan na lumantad, hinihintay natin siya na yumuyuko upang yakapin ang kanyang mga anak. Kaya para sa Kristiyano, ang paghihintay ng Adbiyento ay puno ng pananabik, ng pag-asa, ng galak. Oo, kahit ba sabihin pang naghihintay tayo sa gitna ng dusa at sakit na dala ng ating mga pang araw-araw na problema. May pag-asa pa rin kasi Diyos ang ating hinihintay na darating upang magdala ng mabuti, bago at magandang handog para sa ating buhay. Naglalakad ako sa gilid ng kal...