UNANG LINGGO NG ADBIYENTO - B
PAGHIHINTAY NA MAY PANANABIK
May
iba-ibang reaksyon kapag tayo’y naghihintay.
May
naghihintay na naiinip na. May
naghihintay na kakaba-kaba. May
naghihintay na galit at nagda-dabog.
Merong nadala na sa kahi-hintay dahil sobrang tagal na at tila walang
nangyayari.
Ang
Adbiyento ay paghihintay pero ibang uri ng paghihintay kaysa mga ordinaryong karanasan
natin ng paghihintay.
Sa
Adbiyento, hinihintay natin ang Diyos, hinihintay nating makita ang kanyang
kapangyarihan na lumantad, hinihintay natin siya na yumuyuko upang yakapin ang
kanyang mga anak.
Kaya
para sa Kristiyano, ang paghihintay ng Adbiyento ay puno ng pananabik, ng
pag-asa, ng galak. Oo, kahit ba sabihin pang naghihintay tayo sa gitna ng dusa
at sakit na dala ng ating mga pang araw-araw na problema. May pag-asa pa rin
kasi Diyos ang ating hinihintay na darating upang magdala ng mabuti, bago at
magandang handog para sa ating buhay.
Naglalakad
ako sa gilid ng kalsada. Nakita ko sa isang banda ang isang maliit na batang
nakatanaw sa porch ng bahay nila, patalon-talon, nakangiti at kinikilig pa. Sinundan
ko ang mata ng bata at sa kabilang ibayo ng kalsada may isang lalaking
nakatingin din sa bata, nakangiti at kumakaway-kaway din. A, ito pala ang tatay
niya. Siguro buong hapon, naghihintay ang bata . Tuwang tuwa siya kasi tanaw na
tanaw na niya ang tatay niya. Ang
lapit-lapit na ng tatay niya sa pag-uwi sa bahay.
Nasasabik
ka pa ba sa Pasko? May excitement pa ba ang bawat Adbiyento na hinihintay mong salubungin
si Kristo? Ano ba talaga ang
hinihintay mo ngayong panahong ito?
Kasama ba diyan ang Diyos?
Lord,
punuin mo po ng pananabik ang aking puso…