DAKILANG AWA NG DIYOS: IKALAWANG LINGGO NG PAGKABUHAY
--> ISANG PUSO PARA KAY TOMAS Naisip mo na ba kung ano ang nadama ni Tomas matapos magpakita si Hesus sa mga apostol, pero sa tanging paraan, bigla siyang nilapitan, kinausap at tinanggal ang kanyang pagdududa? Isang special na biyaya ang ibinigay ni Hesus nang pabayaan si Tomas mahipo ang kanyang mga sugat, mahawakan ang kanyang banal na katawan, makaniig ang Panginoon ng personal at buong habag. Walang narinig na galit o babala. Walang sermon o pagtatama. Kaya tuloy muling nabuo sa puso ni Tomas ang matagal na niyang alam: Panginoon ko at Diyos ko! Ano pa ba ang masasabi natin sa Linggong ito, Divine Mercy Sunday, Linggo ng Awa ng Diyos? Nasa natatanging Jubilee Year of Mercy tayo at kaliwa’t kanan, ang Papa, mga obispo, mga pari, mga lider natin, walang habas kung magsalita tungkol sa mercy, sa awa at habag ng Diyos, na para bang ang dali nitong ipamudmod, tanggapin o maranasan kaya. Puwedeng nasa atin ang lahat ng aral t...