DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS, BAGONG TAON B
--> SSSHHHHH! Bagong Taon na! para sa marami, kapistahan ito ng liwanag, ng tunog, ng ingay! Tingnan na lamang kung gaano karami ang mga lusis na nagsasabog ng liwanag sa madilim na gabi, kung gaano katindi ang mga trumpeta, kanyon, at mga batingaw na nagbabadya ng balita, at kung gaano kalakas ang mga paputok na tila mga tawang nagtataboy ng masasamang espiritu at kamalasan. Ang Bagong Taon ay panahon ng liwanag, ng kilos, ng ingay! Sa Mabuting Balita ngayon, ang daan sa pakikipagtagpo kay Hesus ay sa pamamagitan ni Maria, ang Ina ng Nagkatawang-taong Anak ng Diyos. Sa halip na ingay, si Maria ay higit sa lahat, sagisag ng katahimikan at kapanatagan. Sa ating isip, nang dalawin si Maria ng arkangel Gabriel, siya ay nagdarasal, nagbabasa o payapang gumagawa sa bahay. Sa pagbasa natin, habang inaaruga ni Maria ang kaniyang sanggol, tahimik siyang nagbubulay-bulay. Walang ibang paraan para matanggap ni Maria ang pagdalaw ng anghel at lalo na ang mas...