IKALAWANG LINGGO NG KUWARESMA B
HANDANG MAMATAY, HANDANG MABUHAY Ano ang ginagawa ni Hesus sa bundok? Simple: naghahanda para sa kamatayan. Sa pagbabagong-anyo, dalawang tao mula sa nakaraan ang lumitaw kasama ng Panginoon: si Moises at si Elias. Siyempre si Moises ang kinatawan ng Batas ng Israel; ang tagapagbigay ng utos mula Sinai. Si Elias naman ang kinatawan ng mga propetang isinugo ng Diyos. Ang Batas ay tumutukoy sa Mesiyas bilang kabuuan nito. Ang mga propeta din ay nakaturo sa Mesiyas bilang kaganapan ng lahat ng mga mensahe ng Diyos. Nakikipag-usap si Moises at si Elias kay Hesus. Tinatalakay nila kung paano magaganap ang batas at ang mga pahayag ng mga propeta. At magaganap lamang ito sa pamamagitan ng Krus. Kailangan ni Hesus na dumanas ng sakit at paghihirap upang magampanan ang kanyang misyon. Pero hindi dito nagtatapos. Pinag-uusapan din nila ang Pagkabuhay. Pagkatapos ng krus, darating ang pagkabuhay. Matapos ang paghihirap, nariyan ang luwalhati! Ang Pagbabag...