IKA-18 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON B
MAS MAINAM ANG TUNAY NA TINAPAY JN 6: 24-35 Ang hilig nating mga Pinoy manggaya. Kasi mura, nakakayanan at halos katulad na ito ng orig. Sa Baguio, may ube jam na gawa ng “Good Shepherd,” at may nagtitinda naman ng ube na “Like the Good Shepherd.” Di ba dati tinapatan ang McDonald’s fries ng Mang Donald’s fries? At tawa talaga ako dito: sa tapat ng 7-11 sa isang lugar, may nagtayo ng tindahan na ang pangalan ay 8-12! Nakakain ang mga Hudyo ng tinapay na pinarami ni Hesus at naalala nila ang tinapay o manna na kinain ng kanilang mga ninuno sa disyerto. Akala nila ito rin ang tinapay na ibinigay at ibibigay pa sa kanila ng Panginoon. Paliwanag ni Hesus, ito ay paghahanda lamang sa isang pagkaing lubhang kakaiba at lubhang bago para sa kanila. Ang tinapay sa disyerto ay hindi totoo, kundi gaya-gaya lamang sa parating pa, at panandalian lamang itong lunas sa kalam ng sikmura. Ang Tunay na Tinapay ay nagbibigay ng buh...