IKATLONG LINGGO NG PAGKABUHAY K
KASAMA NATIN SA MISTERYO Jn 21: 1-19 fr tam nguyen's photo Nang banggain ng lasing na driver ang kotse ni Katie, naipit siya sa pagitan ng upuan at manibela. Habang nagdurusa, humiling siya sa mga rescuers niya na ipagdasal din siya. Biglang may lumapit na pari at ipinagdasal, pinahiran ng langis at kinumpisal si Katie. Pagkatapos, tila naglahong parang bula ang pari habang si Katie naman ay matagumpay na naihatid sa ospital. Nagtaka ang mga tao sa inakalang misteryo at inisip na anghel ang pari na sumaklolo. May mga pagkakataong nagsasabi ang mga tao ng kanilang karanasan ng pagdalaw ng Diyos sa gitna ng kanilang pangangailangan. Hindi ibig sabihin na personal dumating ang Diyos kundi sa pamamagitan ng mga tao, bagay o pangyayari na nakatulong sa kanila sa sandaling iyon. Kita natin sa mabuting balita ngayon ang tensyong nadama ng mga alagad matapos ang Pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Sa isang banda, hindi siya agad nakil...