Posts

TUMAYO KA MULI, PERO DAHAN-DAHAN LANG

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 27 Bakit nagugulat ka kung ang mga mahina ay nagiging mahina, ang mga marupok ay nagiging marupok? Kung ikaw ay nagiging makasalanan? Kapag nadapa ka, maging malumanay at banayad sa iyong mahina at marupok na puso. Tumayo ka dahan-dahan, tanggapin ang pagkakamali, na hindi nalulunod sa iyong kahinaan. Tanggapin mong may sala ka sa mata ng Diyos. At may magandang intensyon, may lakas ng loob at tiwala sa kanyang awa, magsimula ka muli. Malaking tukso na itatwa mo pati iyong sarili, gamit ang masasakit na salita at lalo na, masasakit na damdamin. Pero hindi naman magandang saktan mo ang sarili mo. Sa halip, buuin mo ang iyong kaluluwa muli, malumanay, mahabagin, nag-iisip ng tama. Sabihin mo sa puso mo: “Bumangon kang muli sa bagong pagkakataon. Magtiwala ka sa awa ng Diyos, upang makatayong mas malakas sa kinabukasan. Huw...

MAKONSYENSYA NAMAN!

Image
PRAYING FOR THE BISHOPS AND PRIESTS AGAINST FALSE SEDITION CHARGES! SINO PA ANG MAGSASALITA PARA SA BAYAN AT MARALITA? NAKAKAHIYA NAMAN IYAN, PILIPINAS! kaibigan, share mo naman... bilang mamamayan dapat maging mulat din minsan...

IKA-19 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
ISANG BILYON PERO “MUNTI”  “Huwag kayong matakot, “maliit” kong grupo… Bakit tinatawag ni Hesus na “munti” ang kanyang kawan? Kaunti lang ba ang naisip niyang susunod sa kanya? O hindi ba niya nakini-kinitang pagkatapos niyang umakyat sa langit ang mabuting balita niya ay lalaganap na tila apoy. at ang mga alagad niya ay lolobo sa daang-libo hanggang milyon, at hanggang sa mahigit isang bilyong tao ngayon? Malamang, ang paglagong ito ay pakay niya rin para sa kanyang simbahan. Ang larawan ng “munting” kawan ay paborito ni Pope Paul VI. Mahal din ito ni Pope Benedict XVI. Ano kaya ang kahulugan nito para kay Hesus? Bakit mahalaga ito sa ating mga lider ng simbahan? Alam ni Hesus na dahil sa matatag na pundasyon, Ang mabuting balita ay makakaapekto sa napakarami At lalago ang kanyang mga tagasunod. Subalit hindi naman siya interesado sa bilang ng tagasunod. Mas interesado...

19TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
THE BILLION-STRONG “LITTLE” FLOCK  “Do not be afraid, little flock…” Why did Jesus call the flock “little”? Did he envision only a few people to follow him? Or did he not foresee that soon after his Ascension, the gospel will spread like wildfire, and his disciples will balloon into tens of thousands to millions, and to more than a billion adherents today? Surely this expansion too, was his intention for his church. This “small” flock image was the favorite of Pope Paul VI. It was dear too, to another one, Pope Benedict XVI. What did Jesus mean by this expression? Why did the popes prefer this illustration? Jesus knew that with a strong foundation, His gospel would influence many And his followers would be numerous. But the Lord was not ultimately concerned about statistics, about numbers. He was concerned about the “quality of living the faith” of his disciples. ...

HINDI SOLUSYON ANG GALIT

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 26 Sa larangang ng pagiging mapagpasenya, unahin mong gawin ito sa iyong sarili. Huwag mayamot sa sarili dahil marami kang mga pagkukulang. Madaling maunawaan kung nasisiphayo ka dahil sa iyong mga pagkakamali, pero hindi dapat ito magdulot ng pait o galit sa sarili. Malaking pagkakamali – dahil walang nararating – ang magalit dahil galit ka, ang uminit ng ulo dahil sa init ng ulo, ang masiphayo dahil disappointed ka. Huwag mong lokohin ang sarili mo. Hindi maitutuwid ang mali sa pamamagitan ng pag ulit mo dito. Ang galit ay hindi solusyon sa galit. Punlaan lang ito ng mas ibayong pang galit. At huwag mong isiping ang pagpaparusa sa sarili ay tanda ng kabutihan. Tanda ito ng maling pagmamahal sa sarili. E hindi ka naman perpekto di ba? Tingnan mo ang iyong mga pagkakamali sa tamang paraan. Tingnan mo ang sarili mo na malumanay,...

IKA-18 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
NAGHAHABOL SA BULA? Sa Bibliya, ang salitang “banidoso” ay di tulad ng kahulugan nito ngayon. Ang banidoso ngayon ay ang maarte sa anyo, katangian at ugali. Ang banidoso ay ang nag-aakalang siya ang pinakamagaling at siya ang pinakamataas sa lahat. Ang aklat ng Eclesiastes (unang pagbasa) ay mariing nagko-kondena sa pagiging banidoso – sa orihinal nitong kahulugan – anumang walang saysay, walang halaga, walang kabuluhan. Ipinaaalala sa atin ng sumulat na marami sa mga bagay na gusto nating hagilapin ngayon sa mundo ay walang saysay kung titingnan mula sa mata ng Diyos, sa pananaw ng dako pa roon, sa perspektibo ng buhay na walang hanggan: … gaano man kalaki ang pera mo hindi mo mabibili ang kaligayahan mo … ang ganda ng mukha at hubog ng katawan ay hindi magdadala sa iyo sa tunay na pag-ibig … ang matalino ay hindi laging marunong … ang katapatan ng mga tao ay nag-iiba ng direksyon … ang luho at pasarap ay m...

18TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
SIMPLY POINTLESS? In the Bible, the word “vain” does not signify the same as today’s meaning. Today’s “vain” is the person who is fussy over his appearance, attributes, and attitudes. Today’s “vain” is the person who thinks himself the best and cut above the rest. The book of Ecclesiastes (1 st reading), denounces what is vain, above all in the original meaning of the word – meaningless, pointless, senseless. The author reminds us that much of the things we love to pursue on earth are meaningless if looked at from the perspective of eternity, from the eyes of God: … abundant money cannot buy you happiness … a flawless face and perfect body cannot guarantee that you'll  find true love … the intelligent one is not necessarily the wise one … loyalties can shift and change according to convenience … pleasure will meet its limits ... fame and glory can sometimes augur disaster Jesus tells us i...

NASAAN NA ANG PANANAMPALATAYA MO?

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 25 Hindi mahirap na maalala ang ating kahinaan. Sa anumang sandali, gaano man katindi ang ating mga panalangin, gaano man tayo kumbinsido sa ating lakas espirituwal, makikita natin, may babala man o wala, na tayo ay mahuhulog sa nakahihindik na katotohanan, habang buong kababaang-loob na humihiling sa Diyos na maawa sa atin. Isipin mo si Pedro. Ayan, sobrang tiwala sa kanyang pananampalataya, na umalis sa bangka at tumapak sa tubig. Subalit nang ang hangin ay biglang umihip at ang mga alon biglang humampas, ang bilis niyang sumigaw: Panginoon, iligtas mo po ako! At ang tugon ni Hesus ay kasimbilis din. Sinunggaban niya ang kamay ni Pedro at pinagsabihan siya: Nasaan ang iyong pananampalataya? Bakit ka ba nagduda sa akin? May kaibahan ba sa atin iyan? Hindi ba’t madalas din na kailangan pang dumanas ng mga buhawi ng tukso, o ng mga daluyong ng pagsubok, bago...

MAAWA KA NAMAN, LORD!

Image
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 24 Tuwing nababagabag ang loob mo, sundin ang payo ni San Agustin: “Magmadali ka, tulad ni David, na sumigaw: Maawa po kayo sa akin, Panginoon! Upang iunat niya ang kanyang kamay upang papayapain ang iyong galit o anumang bumabagabag sa iyo.” Tularan ang mga apostol na, noong nasa gitna ng isang rumaragasang unos, ay tumawag sa Diyos upang tulungan sila. Pakakalmahin niya ang iyong galit tulad ng ginawa sa dagat at papalitan ito ng kapayapaan. Tandaan mong manalangin nang panatag at malumanay. Kung mabatid mong ikaw ay nagbigay daan sa galit o inis, agad ituwid ang pagkakamali sa tulong ng isang gawaing mabuti sa taong iyong nasaktan. Kung makapagsinungaling ka, ang pinakamainam ay bawiin ito agad. Ang pinakamabisang lunas sa galit ay ang dagliang paggawa ng kabutihan. Ang mga bagong sugat ang pinakamadaling gamutin. Sa maghapong ito: ...

IKA-17 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
SALAMAT, TATAY ABRAHAM Mainam pagnilayan si Abraham sa unang pagbasa ngayon mula sa Genesis 18. Bihira natin gawin sa Misa na pagnilayan ang mga kuwento ng mga tao sa "unang" tipan. Sa totoo lang, malaking tulong na malaman ang aral na handog ng Lumang Tipan para sa atin ngayon. Balikan natin konti ang salaysay sa linggong ito. Nagalit ang Diyos dahil sa kasamaan ng tao at nais niyang puksain ang lahat. Mahal ni Abraham ang kanyang kapwa Hudyo kaya naisip niya ang “makipagtawaran” sa Panginoon. Kung  may 50 tao po na mabuti, wawasakin mo pa ba ang lahat? Sabi ng Panginoon, hindi daw. E kung may 45 na tao lang ang makatarungan pa? Sabi ng Panginoon, hindi din daw. E kung may 40, 35, 30, 25…? Nangako ang Diyos kay Abraham: kahit 10 na lang ang matapat na tao. Hindi ko gugunawin ang lupain.  Kaso, hindi umabot sa 10 ang natagpuan ng Panginoon. Batid ni Abraham na makatarungan ang Diyos. ...