Posts

LINGGO NG PAGKABUHAY A

Image
BAKIT KAILANGAN NATIN ITO? May magandang ideya si San Francisco de Sales kung paano ipagdiwang ang Pagkabuhay ni Hesus araw-araw! Yes, araw-araw! Sabi ng maginoong santong ito, pag gising sa umaga, pasalamatan agad ang Diyos sa bagong regalo, sa regalo ng “ating” Muling Pagkabuhay! At may punto siya kasi ang tulog sa gabi ay sagisag ng kamatayan. Sa katunayan, ang daming natutulog na hindi na nagigising pa. Ang paggising sa umaga ay patikim talaga ng Pagkabuhay! Ang munting pasasalamat sa Panginoon na may bagong buhay tayo ay mahalaga ngayon.  Tanda ito ng pag-asa; ng tagumpay; ng aktibong presensya ng Diyos sa ating buhay. Kay daming batbat ng problema na takot nang harapin ang isang bagong araw. May mga may karamdaman na pagod nang gumising sa isa na namang araw ng gamutan, pananakit ng katawan, at pananatili sa higaan. Meron ding ilan na walang kahulugan ang buhay kaya ang bukas ay tila ...

EASTER SUNDAY A

Image
WHY WE NEED THIS DAY There is an idea that comes from St Francis de Sales that makes sense of the Resurrection of Jesus in daily life. The gentleman saint said that on waking up each morning, we must thank the Lord for the gift of another day, for the gift of “our” Resurrection. It makes real sense because a nighttime sleep is a reflection of death itself. In fact, many people sleep and never wake up the following day. To wake up is actually a foretaste of the Resurrection! This little act of thanking the Lord for his gift of life is so important today. It is a sign of hope. It is a sign of victory. It is a sign of God’s active presence in our lives. There are people who are so burdened by problems that they are afraid to welcome another day. There are sick people who suffer so much sickness that they dread another day of pain, medication, or of therapy. There are some of us who find no meaning in ...

PANALANGIN NG PAMILYA SA PASKO NG PAGKABUHAY

Image
Ang tubig ay tanda ng buhay, ng buhay ni Kristo na mula sa Binyag. Maglagay ng sisidlan ng tubig sa gitna ng lamesa. Ang Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay pagkakataon upang sariwain ang ating pananampalatayang tinanggap sa Binyag. PANALANGIN NG PAMILYA Namumuno (N) Lahat (L) Tagabasa 1 (T1) Tagabasa 2 (T2) N:  Aleluya, si Kristo ay Muling Nabuhay! A:  Aleluya, si Kristo ay Muling Nabuhay! N:  Ang Maringal na pagpapahayag ng pasko ng pagkabuhay T1:  Magalak nang lubos ang sambayanan!      Sa Kalwalhatian lahat tayo'y magdiwang!      Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob      S'ya'y muling nabuhay tunay na manunubos!      Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!      Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan  ...

HOLY SATURDAY: Virus ng Kamatayan

Image
PAGBASA: Jn 19: 38-42 Ito ang araw ng Holy Week na hindi natin masyadong pinapansin. Kasi madalas, pag Sabado de Gloria na, takbuhan na sa beach, sa pool, sa mall ang mga tao (na hindi puwede ngayon bwahaha!). Para bang tapos na ang Holy Week sa Biyernes Santo at wala nang halaga ang kasunod na araw. Subalit ito ang umaga na nakahimlay ang katawan ng Panginoon sa libingan. Namatay at inilibing. Ngayon naman, nakahimlay sa hukay ang bangkay ni Hesus. Talagang niyakap niya ang kabuuan ng pagkatao natin hanggang sa libingan. Lahat tayo dadaan sa kamatayan balang araw. Sino ba ang mga tao sa buhay mo na yumao nitong mga nakaraang araw, linggo, o buwan  kaya? Handa ka ba kapag ikaw naman ang haharap sa iyong kamatayan? Pero tandaan nating ang kamatayan ay nalupig na! Ang kasalanan ay natalo na! Ang kabutihan ng Diyos ang tumuntong sa teritoryo ng kamatayan upang sakupin ito at ipailalim sa kanyang kapangyarihan… upang hindi na ito ituring na higit pa sa buhay na w...

GOOD FRIDAY: Virus ng Pagmamatigas ng Puso

Image
PAGBASA: Jn 18; 1-19; 42 Marami tayong naranasan sa taong ito na hindi natin kailanman inasahan. Ang pagsabog ng bulkan. Ang paglaganap ng corona virus sa buong mundo. Ang mga pagkawasak sa paligid. Ang pagtigil ng mundong ating ginagalawan. Lahat iyan ay walang katulad sa naganap noong unang Biyernes Santo – ang pagkamatay ng Diyos! Ang Diyos na bukal ng buhay ay namatay sa krus. Walang paliwanag maliban sa walang hanggang pagmamahal niya sa bawat isa sa atin. Isipin mo ito: May namatay na pala para sa iyo. May nag-alay na pala ng buhay para sa iyo. May umako na pala ng mga kasalanang nagawa mo sa mundong ito. May nagmahal na pala sa iyo nang sukdulan hanggang ibigay niya ang lahat, ang buo niyang sarili, para sa iyo. Maglaan ng panahon na titigan ang Krus at damahin ang pag-ibig na alay ng Diyos para sa iyo, sa katauhan ng kanyang Anak na si Hesus. Gawing kakaiba at natatangi ang araw na ito sa pamamagitan ng katahimikan at panalangin, taglay ang pasasalamat sa ...

MAUNDY THURSDAY: Virus ng Pagmamalinis

Image
PAGBASA: Jn 13: 1-15 Ano kaya ang pakiramdam kapag hinugasan ka ng paa ng isang tao? May mga taong naluluha kapag ginawa ito sa kanila sa Misa ng Huwebes Santo. May nangangatog. May nahihiya. Siguro ganito din ang pakiramdam ni Pedro noon. Kaya tuloy, tumanggi siyang mahugasan ng paa. Kailangan tuloy ipaliwanag ng Panginoong Hesus na lahat sila ay dapat mahugasan ng paa. Lahat sila ay dapat linisin bago makibahagi sa Huling Hapunan. Bagamat hindi natin laging iniisip, pero minsan akala natin okey na tayo. Puwede na tayo. Katanggap-tanggap na tayo sa harap ng Diyos. Pero hindi pala. Kailangan na maranasan natin ang paglilinis ni Hesus, ang kanyang paglilingkod, ang kanyang pagpapakumbaba, ang kanyang pag-aalay ng buhay para sa atin. Nakakahiya man, dapat nating hayaan ang Diyos na mahalin tayo. Nakakakilabot man, dapat nating maranasan ang kanyang haplos. Nakakaiyak man, dapat nating maranasan na walang malinis sa harap ng Diyos kung hindi dadaan sa paglilinis ni Hes...

HOLY WEDNESDAY: Virus ng Pagtataksil

Image
PAGBASA: Mt 26: 14-25 Nakakakilabot ang tagpong ito. Paano naatim ni Hudas na ipagkanulo ang kanyang Panginoon? Ipinagbili niya ang walang kapantay na pagmamahal. Tinalikuran niya ang katapatang hindi matatawaran. Binaewala niya ang pagkakaibigang hindi maihahalintulad sa alin pa man. Nabulag si Hudas ng maling pag-aakala na magiging masaya siya sa ilang pirasong salapi. Nakakahiya mang isipin pero hindi ba’t tayo man ay nakapagtataksil din sa ating kapwa ngayon? Nagbubunyag ng sikreto ng iba, nanggagamit ng kapwa tao, bumabaligtad sa sinumpaang kasunduan, bumabali ng sariling pangako o salita, nagiging doble-kara, nagsisinungaling maging sa ating sarili… Lahat ng pagtataksil sa kapwa ay pagtataksil sa Panginoon. Lahat tayo ay nagiging Hudas din kay Hesus. Panginoon, lupigin mo po ang virus ng pagtataksil sa aking isip, kilos, at salita. Tulungan mo po akong huwag nang makapanakit ng aking kapwa, lalo na iyong mga taong tunay at lubos na nagtitiwala s...

HOLY TUESDAY: Virus ng Kayabangan

Image
PAGBASA: Jn 13: 21-33; 36-38 Maaaring tunay na mahal ni Pedro ang Panginoon. Kaya nasabi niyang ibubuwis niya ang sariling buhay para kay Hesus. Pero napatunayan bang totoo ito? Tulad ng prediksyon ng Panginoon, tatlong beses pa ngang itinanggi ni Pedro na kilala niya si Hesus dahil sa takot na masangkot sa pinagdadaanan nitong paghihirap. Lumilitaw na nagmamalaki lamang si Pedro, nagpapalapad ng papel, nagsasalita udyok ng kahambugan at hindi ng katapatan. Bakit ba tayo kailangang magpakitang gilas, magpa-bibo sa harap ng mga tao? Bakit ba tayo takot na aminin ang ating kahinaan at pagkukulang? Bakit ba kailangang magmukha tayong bida lagi o nangunguna? Ang daming nasirang pagsasama dahil sa ganitong ugali. Ang daming nawasak na tiwala dahil sa ganitong gawi. Hindi ba mas mabuti kung magiging makatotohanan tayo, tanggapin ang ating kalakasan pero aminin din ang ating mga kahinaan, upang mas lalo tayong makatulong sa kapwa, at matulungan din nila? Panginoo...

COVID AND ME: SORRY, MEDYO SERYOSO PO ITO...

Image
I just really need to take this off my chest. When the lockdown started, like many of you, my schedule was disturbed, plans altered, projects thwarted. Then it felt like it was a providential vacation; I needed one, I told myself. Plus, I can use the solitude to pray, read, write, reflect. When work-at-home became the fad, I understood why many call center workers get sick with mysterious illnesses. Online working can be very stressful since you cannot talk to people, call meetings, and discuss things immediately and with the personal touch you are accustomed to. Anyway, the scheme lightened up after a few weeks... You hear and read of the politics of the lockdown everyday – from the news, from the internet, from the social media. There are things laudable, many others irksome, at the way they imposed, implemented and sustained the effort. You also get a dose of daily tally of the infected, the tested, the PUIs, the PUMs, the ...

HOLY MONDAY: Virus ng Kasakiman

Image
PAGBASA: Jn 12: 1-11 Nanghinayang si Hudas sa mamahaling pabangong ibinuhos ng babae sa paa ni Hesus, hindi dahil ang katumbas sanang halaga nito ay magagamit sa pagtulong sa mga mahihirap. Ang tunay niyang pakay ay ang maipagbili sana ang pabango at nang maibulsa niya ang pera para sa kanyang sarili. Sa gitna ng mga krisis sa buhay, kaydami sa atin ang nagiging sakim. Hindi masamang maghanda para sa pangangailangan ng sarili at pamilya. Pero masama kapag hindi na natin alintana ang pangangailangan ng iba. Dahil sa lockdown, kanya-kanyang hakot ang mga tao ng supply at kagamitan. Nagkaubos ang tinapay, itlog, alcohol at toilet paper sa mga tindahan. At ang ibang mga tindero naman, nagpatong ng presyo sa paninda nila. Ganito rin ang nangyari noong pagsabok ng Taal volcano. Ngayon kung titingnan ng mga taong ito ang bundok-bundok na supply sa bahay nila na hindi naman nagagamit, ano kaya ang kanilang nadarama? Kung magpapatuloy ang ganitong gawi ng mga tao, matataw...