IKA-32 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K


BIYAHENG LANGIT

Ano ba sa atin ang langit?  Habang tumatanda tila mahirap maniwala sa langit. Habang tumatalino tayo, tila mahirap maniwala sa langit.  Pambata lang yan.  Pang mangmang lang yang.  Hindi iyan para sa akin, sabi natin.  O kung napapansin man natin ang langit, ito ay kung may mga kakilala tayong namamatay. Nasa heaven na siya ngayon!

Paglapit ng mga Saduseo kay Hesus, agad ipinagdiinan ng Panginoon na may langit at totoo ang pangako ng langit – ang pagkabuhay ng mga patay.  Ang mga Saduseo ay hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.  Subalit wala nang mas malinaw pang aral tungkol sa langit mula sa Panginoon.  Sa langit ang mga tao ay mistulang anghel.  Sa langit ang lahat ay buhay dahil ang Diyos ay Diyos ng mga buhay.

Sa 2 Macabeo, ipinakikita sa ating kung paanong ang langit ay sanhi ng lakas, tibay at katatagan habang tayo ay narito sa mundong ito at habang hinaharap natin ang ating mga pagsubok.  Handa ang ina at pitong anak niya na magbuwis ng buhay dahil alam nilang may langit na naghihintay.

Sa buhay mo ngayon, sa mga pagsubok mo ngayon, nananalig ka ba sa pangakong langit ng Panginoon?  naniniwala ka ba na may higit na magandang matatagpuan sa kabilang buhay kasama ng Diyos?  O umaasa ka lang ba sa mga bagay na nakikita at nararanasan sa mundong ito?

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS