IKA-33 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K


ANG KAPAL NG BUHOK KO!

Nakakagulat na gamitin ng Panginoon ang buhok bilang isang sagisag sa pag-unawa ng mensahe ng Diyos ngayon.  Mahalaga ang buhok para sa mga tao ngayon at alam nating kung gaanong alaga ang napupunta sa pagpapanatili ng maganda, matibay at makislap na buhok.  Sino kaya ang gustong magka-buhok na magaspang at pangit?  O sino ang nais maging kalbo? Ang gusto natin ay buhok na malusog.

At totoo namang ang buhok ay hindi lang isang bahagi ng katawan na inaalagaan.  Ito rin ay hudyat ng kalusugan at katiwasayan.  Pag may problema ka, pag may stress sa buhay mo, pag may karamdaman ka, di ba nalalagas ang buhok mo?

Nang sabihin ni Hesus na hindi mahuhulog sa lupa ni isang hibla ng buhok ng taong sumusunod sa kanya, ibig sabihin nito, walang dapat ikatatakot ang isang alagad.  Hindi magugupo ng problema ang taga-sunod Niya.  Hindi matatalo ng takot ang tapat sa Kanya.

Sinasabi sa Ebanghelyo ang maraming magaganap na pagsubok sa mga huling araw. Kitang-kita nating kung paano walang kalaban-laban tayo sa mga bagyo, lindol, giyera at iba pang dumarating sa ating mga pagsubok ngayon.

Sa kabila ng lahat, bumabangon tayo at lumalakad muli.  Tumatayo tayo at nagbubuo muli ng mga nasirang bahay, bukirin, buhat at mga pangarap. Saan tayo humuhugot ng lakas at katatagan?  Saan nagmumula ang ating tapang na harapin ang lahat ng ito? Ito ay mula sa Panginoong Hesus na laging naka-agapay sa atin sa lahat ng sandali.  Ni isang hibla ng buhok natin ay hindi Niya pababayaang mahulog sa lupa.

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS