HUWAG MABAGABAG



BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 1



Ang payo ng isang kasabihang Ingles: magmadali nang dahan-dahan (make haste slowly).



Ganun din si Haring Solomon na nagpa-alala sa atin na “ang nagmamadaling mga paa ay natitisod.”



Iyong mga sukdol mag-alala sa mga maliliit na detalye ng kanilang buhay ay mas kaunti ang nagagawa at ang kaunting nagagampanan nila ay hindi pa nagiging maganda ang kinalalabasan.



Ang pinakamaingay na mga bubuyog ay walang nagagawang pulot (honey).



Kailangan nating alagaan ang ating espiritu na maingat at masidhi, subalit iba ito sa pagkabagabag at nakalulumpong pag-aalala.



Ang alaga at malasakit sa sarili man o sa iba ay hindi balakid sa katiwasayan at kapayapaan ng isip, subalit ang pagkabagabag at espirituwal na pagka-mabusisi, tulad din ng pagiging bugnutin at taranta, ay ganito mismo ang resulta.



Maging lubhang maingat sa anumang gawaing inaasahan sa iyo pero huwag hayaang ang pagmamadali, bugnot, pagkabagabag, at nerbiyos ay makahadlang sa tamang pag-iisip at mabuting hatol, at makaharang sa mabuting pagsasagawa ng anumang hinihingi sa iyo ng Diyos.



Itinuwid ng Panginoon si Marta sa pamamagitan ng pagtawag pansin sa tanging mahalaga: “Marta, Marta, labis kang nag-aalala at naguguluhan sa maraming bagay.”



Baka kailangan din nating marinig ang pagtutuwid na ito.



Sa buong maghapong ito:



HUWAG MABAGABAG SA MARAMING BAGAY


-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS