MAGTIWALA SA DIYOS, AT IPANATAG ANG KALOOBAN
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 4
Kung nais mong magtagumpay sa
anumang gawain, ilagay ang tiwala sa Pangangalaga ng Diyos (Divine Providence).
Makiisa sa kanya, at mapanatag na
anuman ang magaganap, ito ang pinakamabuti para sa iyo.
Isipin mo ang isang maliit na
bata na naglalakad kasama ang kanyang ama.
Isang kamay niya ay nakahawak sa kamay
ng tatay, samantalang ang isa ay namumulot ng mga prutas na mula sa mga puno sa
kanilang linalakaran.
Tularan ang batang ito.
Sa isang kamay, sige at mamulot ng
anumang kailangan mo mula sa mabubuting bagay sa mundo, at sa isang kamay naman kumapit sa Ama sa langit, tinitiyak paminsan-minsan kung sumasang-ayon ba
siya sa iyong ginagawa sa iyong buhay.
Higit sa lahat, ingatang huwag
bumitiw sa Ama upang maging malaya ang parehong kamay sa pamumulot ng mga bagay
sa mundong ito.
Mapapansin mong kapag nag-iisa ka
na, matitisod at mabubuwal ka.
Kung sa iyong pamumulot hindi
naman kailangan ang magtuon ng buong pansin, malimit na lumingon sa Diyos sa
iyong isip.
Tulad ng manlalayag na pabalik sa
pantalan, tumingala sa langit at huwag lamang tumitig sa mga alon na nagdadala
sa iyo.
Sa buong maghapong ito:
MAGTIWALA SA DIYOS, AT IPANATAG ANG
SARILI.