PABAYAAN MONG KUMILOS ANG DIYOS
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 2
Huwag mong hayaang ang pagkabalisa
ay makawasak sa iyong paghahanap sa Diyos.
Alam mo naman na kung naghahanap
tayong sobrang balisa para sa isang bagay, kahit na isandaang beses pa natin
ito makaharap ay hindi natin ito mapapansin.
Ang pagkabalisa ay nagbabalatkayong
totoong lakas espirituwal kahit na pinapagod nito ang isip, tinutuyo ang sigla,
at kinikitil ang kaluluwa.
Nagkukunwari itong bumubuhay sa
kaluluwa, subalit ang tanging ginagawa nito ay pinahihina ang ating espiritu.
Itinutulak tayo hanggang matisod
o matumba na tayo.
Kailangan natin magmatyag laban
sa impostor na ito na kumukimbinsi sa atin na ang ating buhay espirituwal ay
nakasalalay nang lubusan sa ating mga pagsisikap, kaya kung tayo ay mas
nagugulantang, mas nababagabag, lalo daw nating matatagpuan ang Diyos.
Pabayaan mong kumilos ang Diyos.
Maging matiyaga lamang.
Maging ang ating pinakamagaling
na pagsisikap ay hindi makapagdadala sa atin ng pagpapala ng Diyos.
Ang tanging gampanin natin ay
maging handa, na tanggapin ang mga kaloob ng Diyos na may pusong bukas –
maingat, mababang-loob, mapayapa.
Sa buog maghapong ito:
PABAYAAN MONG KUMILOS ANG DIYOS
(kung nakakatulong sa iyo ang blog na ito, paki-share sa isa pang kaibigan. salamat po!)