TUMAYO KA MULI, PERO DAHAN-DAHAN LANG
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 27
Bakit nagugulat ka kung ang mga
mahina ay nagiging mahina, ang mga marupok ay nagiging marupok?
Kung ikaw ay nagiging
makasalanan?
Kapag nadapa ka, maging malumanay
at banayad sa iyong mahina at marupok na puso.
Tumayo ka dahan-dahan, tanggapin
ang pagkakamali, na hindi nalulunod sa iyong kahinaan.
Tanggapin mong may sala ka sa mata
ng Diyos.
At may magandang intensyon, may
lakas ng loob at tiwala sa kanyang awa, magsimula ka muli.
Malaking tukso na itatwa mo pati
iyong sarili, gamit ang masasakit na salita at lalo na, masasakit na damdamin.
Pero hindi naman magandang saktan
mo ang sarili mo.
Sa halip, buuin mo ang iyong
kaluluwa muli, malumanay, mahabagin, nag-iisip ng tama.
Sabihin mo sa puso mo:
“Bumangon kang muli sa bagong
pagkakataon. Magtiwala ka sa awa ng Diyos, upang makatayong mas malakas sa
kinabukasan. Huwag panghinaan ng loob; tutulungan ka ng Diyos at gagabayan ka
niya.”
Magdasal tulad ng salmista:
“Bakit ka malungkot o puso ko, at
bakit nababahala? Magtiwala sa Diyos; pupurihin ko siya, ang aking kaligtasan,
O Diyos ko.”
Sa maghapong ito:
BUMANGON KA O PUSO KO, UNTI-UNTI…
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->