KRISTONG HARI, K
BALIGTAD NA KAHARIAN
Hindi na-gets ng mga pinuno: "kung
ikaw ang Kristo, iligtas mo ang sarili mo!"
… dahil ang Kristo ay matapang,
malakas at magiting sa paglupig sa kaaway.
Hindi rin na-gets ng mga sundalo:
"kung Hari ka ng mga Hudyo, bumaba ka diyan!"
… dahil narinig nila ang mga
milagro at pangaral at kapangyarihan mo.
Pati ang isang nakapako doon ay
hindi rin na-gets ang lahat: "iligtas mo ang sarili mo, pati na ako!"
…ang tanging pakay lang naman
niya ay pagtakas, pasarap, paglaya mula sa hirap.
Ganito pa rin tayo mag-isip
tungkol sa Diyos ngayon:
...Makapangyarihang Diyos laban sa
mga virus, bagyo, lindol at giyera sa mundo.
...Mapaghimalang Diyos na nagpapalit
ng sarap sa pait, ng halakhak sa luha.
...Masaganang Diyos na umaapaw ang dalang
pera, negosyo, bahay, trabaho at tagumpay.
Kung hindi rin lang ito ang Diyos
na makikita natin, e siguro, walang Diyos!
Nangaral si Hesus ng isang
Kaharian at isinaboy niya ang binhi nito sa mga lansangan at palengke ng bayan
Sa mga taong mahihirap, maysakit,
at itinaboy ng lipunan.
Sinabi niyang ang Kaharian ay
tungkol sa paglilingkod at hindi sa pagsupil ng iba;
Na lumalago itong dahan-dahan at hindi
biglaan sa tulong ng magic formula;
Na may dala itong kapayapaan at
kagalakan na hindi makukuha sa materyal na bagay;
Na pangako nito ang kaligtasan,
subalit sa pamamagitan lamang
...ng pagtitiyaga at pananampalataya sa Diyos,
...at madalas sa gitna ng sakripisyo at ng pagdurusa pa…
...ng pagtitiyaga at pananampalataya sa Diyos,
...at madalas sa gitna ng sakripisyo at ng pagdurusa pa…
Sa wakas, natuklasan ng isang
kriminal ang Kaharian.
Habang nakatingin siya kay Hesus,
nakita niya ang kabutihan, pagmamahal at habag sa kanyang mukha – “wala siyang
ginawang anumang masama.”
Natagpuan niya kay Hesus ang tanda
ng tunay na Hari: “alalahanin mo po ako sa iyong kaharian.”
At dinala siya ni Hesus sa kaharian ng langit noong oras ding iyon.
Ano ang kahariang pinagkaka-abalahan ng marami ngayon?
At dinala siya ni Hesus sa kaharian ng langit noong oras ding iyon.
Ano ang kahariang pinagkaka-abalahan ng marami ngayon?
...May mga taong nag-aaway tungkol sa
pera at mana hanggang makalimutan na ang paggalang sa isa’t-isa.
...May mga magulang na subsob sa
trabaho at walang panahon sa problema ng anak.
...May mga taong nais umangat sa
buhay kahit matapakan ang kapwa nila.
Hindi nila matatagpuan ang Kaharian
ng Diyos, ang Kaharian ni Hesus, dahil ang Kaharian ay
nasa ibaba,
nasa puso,
nasa simpleng bagay,
nasa mga lugar na karaniwang hindi napapansin;
dahil binago ni Hesus ang mga bagay-bagay at binaligtad niya ang ating mga inaasahan.
nasa ibaba,
nasa puso,
nasa simpleng bagay,
nasa mga lugar na karaniwang hindi napapansin;
dahil binago ni Hesus ang mga bagay-bagay at binaligtad niya ang ating mga inaasahan.
Hinahanap mo ba ang Kaharian sa
direksyong itinuro ng Panginoon?
(paki-share sa kaibigan)
(paki-share sa kaibigan)