HANGGANG SA MULI, SOR MARIA SUSANA! SALAMAT PO! PAALAM PO!

 

(Sor Maria Susana, OCarm; entered heavenly glory Jan. 1, 2023)
 

1987 nang magtungo ako sa Carmelite Monastery ng Guiguinto, Bulacan, bilang pagsunod sa mungkahi ng aking parish priest, Fr. Francisco “Boy” Sta. Ana (+), upang humingi ng panalangin ng mga mongha at ng special guidance ng isang monghang magiging spiritual sister sa pagpasok sa seminaryo.

 

Kayo po, Sor Ma. Susana ang nasa turno noong panahong iyon at nang marinig ninyo ang aking boses, nangako kayong kayo mismo ang magdarasal para sa akin. Mula noon hanggang sa huli, damang-dama ko ang inyong panalangin, malasakit at sakripisyo para sa akin sa lahat ng yugto ng aking buhay, ang inyong pagmamahal sa aking bokasyon, ang inyong paggabay bilang isang spiritual sister at (nang mawala ang aking sariling ina) bilang isang spiritual mother sa kanyang anak.

 

Sa inyong pagpanaw, Enero 1, 2023, na alam kong sinundo kayo ng ating Panginoong Hesukristo at ng Mahal na Birheng del Carmen, lalong lumakas ang aking loob dahil may spiritual sister/ mother ako sa langit na laging higit na magdarasal at mangangalaga sa aking buhay at pananampalataya.

 

Sa inyong pagmamahal, sa inyong pag-aalay, sa inyong wagas na malasakit at patnubay… maraming salamat po. Magkikita muli tayo, mahal kong Sor Ma. Susana, OCarm.


lubhang pakikiramay sa Carmelite Monastery ng Burgos, Pangasinan, ang inyong huling tahanan.

#ourparishpriest 2023

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

GOMBURZA: BAKIT MAHALAGA?

ANG 12 BUNGA (MGA BUNGA) NG ESPIRITU SANTO