IKA-APAT NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON - B (CANDELARIA)
NARITO ANG IYONG LIWANAG (CANDELARIA) Sa araw na ito, ginugunita ng maraming madre at mga relihyoso ang kanilang panata sa Diyos, dala ang mga kandilang may sindi sagisag ng pagbibigay nila ng sarili sa Diyos. Sa katotohanan, tayong lahat ay nagsimulang magdala ng kandilang nakasindi noong tayo ay binyagan. Sa Mabuting Balita, gitnang-gitna ang posisyon ng liwanag. Si Simeon, isang matandang lalaki, ay matagal nang naghihintay sa kaganapan ng pangako ng Panginoon. Nang makita niya ang sanggol at ang mga magulang nito, lumakas ang tibok ng kanyang puso. Tila may nagbulong sa kanya na ito na nga ang “liwanag ng mga bansa, at kaluwalhatian ng Israel.” (Lk 2:32). Punung-puno ng saya, naipagdasal niyang handa na siyang mamatay. Ganito rin kay Anna, ang matandang babaeng katulad ni Simeon ay nakatutok sa paghihintay sa pangako ng Diyos. Kahit hindi binanggit sa ebanghelyo, palagay ko, ang panalangin niya ay tulad din ng pasasalamat, papuri at pagiging...