IKA-5 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON B
--> HIWAGA NG PAGDURUSA Pangkalahatang karanasan ito. Kung nadarama ng isang tao sa kanyang buto, sa iba naman dama sa puso. Habang nangyayari sa katandaan ng isa, ganun din naman nagaganap ito sa kabataan ng panahon para sa isang tao pa. Karaniwang tadhana ito ng lahat ng tao na nag-uugnay sa ating mga buhay – mayaman o mahirap, makapangyarihan o aba, matalino o mangmang, malakas o mahina. Tinutukoy sa mga pagbasa ang kaakibat na ito ng buhay – pasakit at pagdurusa. Inilalahad sa Aklat ni Job ang mga biyaya sa kabataan niya, ang mga pagsubok na sumunod at mga pagdurusang kumitil ng kanyang kaligayahan, at sa huli, ang katubusan na dala ng biyaya ng Diyos kay Job. Ito ang aklat na tahasang nagsaliksik ng sagot sa katanungan ukol sa problema ng kasamaan. Kung mabuti ang Diyos, bakit pinababayaan niya ang pagdurusa? Kung may kinalaman ang paghihirap sa kasalanan, bakit pati mabubuting tao ay nakakaranas nito? Sino kaya sa atin ang hindi maka...