BLESSED JOSE MARIA DE MANILA

(Eugenio del Saz-Orozco Mortera )



May mga Pilipino pa na nasa hanay ng mga kandidatong inihahanda sa pormal na paghirang bilang Blessed at Santo. Sila ay mga lalaki at babaeng “Pinoy na Pinoy” sa puso at diwa na namuhay at namatay din nang may tunay na kabanalang ipinamalas. 


Ang nasa hanay upang maging ikatlong Pilipinong santo ay ang paring si Fr. Jose Maria de Manila. Isa siyang Kastilang Pilipino na ipinanganak sa Maynila noong 1880. Ang kanyang amang si Don Eugenio Sanz-Orozco ang huling Espanyol na alkalde ng Maynila. Nag-aral siya sa Ateneo, sa Colegio de San Juan de Letran, at Unibersidad ng Santo Tomas (UST). 


Nagpunta siya sa Spain upang mag-aral at doon ay nagpasyang pumasok sa seminaryo ng mga paring Franciscan Capuchin. Naging pari siya noong 1910. 


Laging nasa puso niya ang pagbabalik sa Pilipinas subalit hindi na ito naganap pa. Nang magkaroon ng digmaang sibil sa Spain, naging matindi ang galit ng ilang mga tao laban sa Simbahan. Maraming mga pari at madre ang nagbuwis ng buhay. Kabilang dito si Fr. Jose Maria de Manila na pinatay noong 1936. 


Noong 2013, hinirang siyang Beato (Blessed) Jose Maria de Manila kasama ng 521 pang mga martir ng Spain. Nawa’y maikli na lang ang ating paghihintay na maging ganap na santo siya at ikatlong bituin ng ating pananampalataya sa langit. Ang kapistahan niya ay November 6. kasama ng iba pang mga martir ng giyera sibil sa Spain.


Maraming naniniwala na ang mapaghimalang imahen ni Blessed Jose Maria ay nasa simbahan ng St. Francis sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

the miraculous image in Mandaluyong

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS