NASAAN NA ANG PANANAMPALATAYA MO?
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 25 Hindi mahirap na maalala ang ating kahinaan. Sa anumang sandali, gaano man katindi ang ating mga panalangin, gaano man tayo kumbinsido sa ating lakas espirituwal, makikita natin, may babala man o wala, na tayo ay mahuhulog sa nakahihindik na katotohanan, habang buong kababaang-loob na humihiling sa Diyos na maawa sa atin. Isipin mo si Pedro. Ayan, sobrang tiwala sa kanyang pananampalataya, na umalis sa bangka at tumapak sa tubig. Subalit nang ang hangin ay biglang umihip at ang mga alon biglang humampas, ang bilis niyang sumigaw: Panginoon, iligtas mo po ako! At ang tugon ni Hesus ay kasimbilis din. Sinunggaban niya ang kamay ni Pedro at pinagsabihan siya: Nasaan ang iyong pananampalataya? Bakit ka ba nagduda sa akin? May kaibahan ba sa atin iyan? Hindi ba’t madalas din na kailangan pang dumanas ng mga buhawi ng tukso, o ng mga daluyong ng pagsubok, bago...