MAGTIWALA SA SARILI, HINDI SA SABI-SABI
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 22
Ang mabuting pangalan ay isang
tanda na tumutukoy sa mabuting buhay, pero kahit mabuting tanda ay isa lamang
tanda.
Kung masyadong sensitibo ka sa
mabuti mong pangalan, para kang isang taong akala ay maysakit siya at laging
umiinon ng gamot kahit anuman ang munting maramdaman.
Akala niya ay inaalagaan niya ang
kanyang kalusugan pero iyon pala ay lalo niya itong sinisira.
Kung sobrang ninanais mong
mahalin ka ng lahat baka sa huli matagpuan mong wala ka nang kaibigan.
Maaari kang maging sobrang
sensitibo. Sino ba ang may gustong maging kasama ang isang taong sobrang sensitibo o
matampuhin na nagiging nakakainis na.
Ang sumasailalim sa ganitong
sobrang pag-aalala ay mas magandang dapat pagnilayan.
Ang matakot na mawala ang iyong
magandang pangalan ay nangangahulugan na hindi mo inilalagay ang tiwala mo sa
tunay na pundasyon – ang matatag na bato ng tunay na kabutihan ng puso.
Kung dahil sa mga gawaing
espirituwal mo, tinatawag kang ipokrito ng ilan, huwag mo silang pansinin.
Kung madali kang magpatawad at
tawagin ka nilang duwag, balewalain mo lang.
Ang panghuhusga nila ay walang
halaga.
Maaaring sirain nila ang iyong
mabuting pangalan sa kanilang tsismis at sitsit, sa kanilang mababaw na husga,
subalit hindi nila kayang wasakin ang tunay mong pagkatao.
Sa maghapong ito:
MAGTIWALA KA SA IYONG SARILI, AT
HUWAG SA KUNG ANO ANG SINASABI NG IBA TUNGKOL SA IYO.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)