IKA-29 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON B
SERBIS O NO SERBIS? Mk 10:35-45 or 10:42-45 fr tam nguyen Isang paborito kong ala-ala sa pagkabata ay ang kuwentuhan naming magpipinsan tungkol sa aming mga ambisyon. Sabi ng isa gusto daw niya maging tulad ng tatay niya; nakaupo sa opisina, ang mga kamay sa likod ng ulo at nakataas ang paa sa lamesa! Boss agad bago mag-empleyado! Sa Mabuting Balita, ang mga apostoles ay buking na naghahangad ng posisyon. Gusto ni Juan at Santiago na maging secretary of defense at secretary of finance sa gabinete ng Panginoon. Buti na lang at hindi sumabog ang galit ni Hesus. Sa halip, banayad at may pasensyang kinausap niya ang mga alagad tungkol sa tunay na kahulugan ng kanyang misyon na “maglingkod at hindi paglingkuran at ibigay ang buhay para iligtas ang marami.” Bihirang magkasundo ang lahat ng pagbasa sa Misa ng Linggo pero ngayon kay Isaias matatagpuan ang tema ng nagdurusang Lingkod ng Diyos, at sa Ebreo naman inilalarawa...