Posts

KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 4

Image
TEMA 4: PANALANGIN: DITO MATATAGPUAN ANG KAPAYAPAAN    PANALANGIN   Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.   Sa ngalan ng Ama…   O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.     REFLECTION 4   Ang isang pangunahing paraan ng pagkakamit ng kapayapaan ng kalooban ay ang katapatan sa panalangin.   Madalas, kulang tayo sa kapayapaan dahil hindi sapat ang ating pana...

IKA-29 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  NAGHIHINTAY SA KANYANG KATARUNGAN LK 18: 1-8       Malapit nang ma-promote ang kaibigan ko sa kanyang kumpanya. Pero bigla na lang nag-report ng mga pangit na bagay laban sa kanya ang sarili niyang boss. Hindi dahil may mali siyang ginagawa kundi dahil sa inggit at insecurity ng kanyang boss.   Pinili ng kaibigan ko na huwag umupa ng abogado. Sa halip, hinarap niya ang mga paratang mag-isa, taglay ang malinis niyang record sa trabaho nang matagal na panahon. Paniwala niya, ang Diyos mismo ang siyang tutulong sa kanya dahil malinis ang kanyang konsiyensya.   Katarungan ang tinutukoy ng Panginoong Hesus sa ating ebanghelyo ngayon. Sinasabi niyang mabilis na igagawad ng Diyos ang katarungan sa mga taong nagtitiwala sa kanya. Pero dito sa ating mundo, bakit kaya ang daming halimbawa ng hindi pantay na pagtrato at ng panunupil sa mga mahihina at mga dukha?   Sa mundo ngayon, kung di man wala, e matumal ang katarungan la...

29TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  WAITING FOR HIS JUSTICE LK 18: 1-8     My friend was being prepared for promotion in his company. Then his boss started reporting negative things about him to the upper management. It was not because he was doing bad at work. It was simply because of envy.   In defending himself, my friend opted not to hire lawyers to help him. Instead he confronted the charges against him alone and armed only with his clean record in the company where he has invested most of his professional life. He believes that God will help him because his conscience was clear.   The Lord Jesus speaks about justice in the gospel today. He explains how God will deliver justice speedily to those who trust in him. But still, in the world today, why do we encounter countless instances of unfair treatment and advantage over the weak and the poor?   In today’s world, there seems to be no justice for those who have no connection, no money, and no influenc...

REFLECTIONS ON DAILY READINGS: OCTOBER 1-15 (ENGLISH AND TAGALOG)

Image
  October 1 Saturday, Week 26   Today’s saint reflects the message of the Gospel. In her simplicity and spontaneity towards Jesus her Beloved, St Therese of the Child Jesus attained holiness, the perfection of Christian life. The “wise and the learned” think that they need to perform grand and heroic actions to please God. St. Therese discovered that doing “ordinary things with extraordinary love” is what truly pleases the Lord. Let us ask St. Therese to be our special guide as we reflect on God’s Word today.   Sinasalamin ng ating santo ngayon ang mensahe ng Ebanghelyo. Sa kanyang pagiging simple at pagiging bukas-loob kay Hesus na kanyang Minamahal, narating ni Sta Teresita ng Batang Hesus ang kabanalan, ang kaganapan ng buhay Kristiyano. Ang mga matatalino at marurunong ang nag-akala na kailangang gumawa ng malalaki at dakilang bagay upang malugod ang Diyos sa tao. Samantala, si Sta. Teresita naman ang nakatuklas na ang paggawa ng mga karaniwa...

KAPAYAPAAN NG ISIP AT PUSO: PART 3

Image
  TEMA: KUNG LALONG PAYAPA ANG TAO,  MAS HIGIT NA KUMIKILOS ANG DIYOS       PANALANGIN   Umayos tayo sa ating pagkaka-upo at ituong ang pansin sa oras na ito ng pagninilay at huminga nang dahan-dahan. Buong paniniwala nating isipin na nakatitig sa atin ang Diyos, ang Ama na laging nagmamahal sa atin. Anyayahan natin siya sa ating puso. Damahin natin sandali ang kanyang presensya.   Sa ngalan ng Ama…   O Espiritu Santo, ikaw ang liwanag, ang mang-aaliw, halina at maging gabay ko sa sandali ng pagninilay at panalangin para sa kapayapaan. Ipadama mo po sa akin ang ganda at lalim ng iyon pagmamahal. Halina, Panginoon, at itatag mo sa aking puso ang kapayapaan at gawin mo akong kasangkapan sa pagpapalaganap nito sa aking paligid. Amen.   REFLECTION 3   Ang paghahangad ng kapayapaan ay higit pa sa isang kapanatagan lamang ng isip o psychological na pagka-kalmado. Mas malalim ito doon dahil ito ay ang...

IKA-28 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  KILALANIN ANG MGA KETONGIN LK 17: 11-19       Sa dulo ng ebanghelyo, nangulila ang Panginoong Hesus: “Nasaan ang siyam?” Matapos kasing pagalingin ang sampung ketongin, isa lang ang nagbalik upang magpasalamat. Sino ba ang mga ito? Ano ang kanilang ugali at pananaw sa biyayang naganap sa kanilang buhay?   Kabilang sa kanila ang “mareklamong ketongin.” Sila iyong laging may nakikitang dapat punahin at ireklamo sa buhay. Hirap silang magdiwang kasi laging may dapat ibulalas na hirap, sakit o kabigatan ng buhay. Para maging mapagpasalamat, dapat matutong pakawalan ang mga reklamo at pansinin ang mga kagandahan at kabutihan maging sa gitna ng pangit na situwasyon.   Nandyan din ang mga “karapat-dapat na ketongin.” Pakiramdam kasi nila dapat lang silang pagalingin ni Hesus. Dapat silang tulungan, damayan at paglingkuran. Para maging mapagpasalamat, kailangang makita na ang tulong ng kapwa ay hindi obligasyon kundi kusang loob na...

28th SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  MEET THE LEPERS LK. 17: 11-19       At the end of the gospel, the Lord Jesus longingly asked, “Where are the other nine?” After healing ten lepers, only one returned to give thanks. Who were the other nine lepers? What were their attitude to life and the healing grace they received?   Among the ten were “complaining” lepers. These guys always found displeasure in their condition. They couldn’t find anything to celebrate in life because they were always complaining of the burden, the inconvenience and the pain of their sickness. To be grateful, a person needs to forego of complaints and see beauty and kindness in spite of the ugliness of any situation.   There were also the “entitled” lepers. They knew they were healed by the Lord Jesus but they also thought that Jesus owed them this healing. They deserved to be helped, assisted or served by others. To be grateful, one needs to appreciate the underserved nature of a gift, a ...